Episode 1

1722 Words
Lakad takbo ang ginagawa ni Sasa para hindi sya malate sa trabaho niya ngayong araw. Alas 9 na ng umaga at 9:30 lang ang duty niya. Napuyat kasi sya kagabi dahil nag ta-tantrums si Zeki kagabi at gusto magpakarga. Wala syang nagawa kundi buhatin ito hanggang makatulog. Matagal din bago sya nakasakay ng taxi dahil punoan talaga pag umaga. Insaktong makarating sya sa tapat ng building ay 9:30 na ayon sa suot niyang relo. Nagmamadali syang pumasok sa loob pagkatapos mag biometrics. Sumakay sya ng elevator at hinihingal ng makarating sa kanyang cubicle. Isa kasi syang financial consultant sa isang kompanya. Pagka graduate niya ng college ay isang taon syang tambay bago naghanap ng trabaho. At ngayon ay dalawang taon na syang nagtatrabaho sa Altaraza Inc. Maraming tambak na papeles sa table niya at parang sumakit ang kanyang ulo kahit hindi pa man nagsisimula. Busy din ang ibang kasamahan sa cubicle nila. "Hey listen guys listen!" Tawag pansin sa kanila ng kanilang team leader. Lumingon naman sya bahagya at nakinig sa sasabihin nito. "May bisita tayo ngayon sabi ng HR. Maglilibot daw sa iba't ibang department ang mga big bosses at board of directors to survey. So please wag niyo akong ipahiya. We need extra work today. Alright?" Isa isa naman silang tumango at bumalik sa trabaho. Nag concentrate sya sa ginagawa at hindi namalayan na dumating na oala ang mga bisita. Dali dali syang tumayo at lumapit sa kasamahan niyang nakapila at nag bow pa sa mga bagong dating. Yumuko din sya at bumati sa mga ito isa isa. Nasa limang malalaking tao ang nasa harap nila. Matikas at maotoridad ang tindig ng mga ito. Kasalukuyan syang nakayuko ng ulo ng pag angat niya ay saktong tumama ang kanyang tingin sa isang pares ng magandang mata. Nakatayo ito sa harap niya at wari sinusuri sya. Kulang ang sabihing nagulat sya ng mamukhaan ang lalaki sa harapan. Feeling niya may bombang sumabog sa mukha niya at biglang nanlamig ang katawan. Tumiim ang titig nito sa kanya at parang may gustong sabihin pero hindi tinuloy. Hindi niya alam kung tanda pa sya nito. At dalangin niya na sana ay hindi na. Tatlong taon na ang lumipas pero hinding hindi niya makakalimutan ang mukha ng lalaking ito. Mabuti nalang ay umalis na ito sa harap niya at naglakad sa ibang panig. Agad syang naghanap ng makakapitan dahil ilang segundo nalang ay mukhang matutumba sya sa kinatatayuan. Mabuti at nahagip ng kamay niya ang sandalan ng kanyang upuan at kumapit ng mahigpit doon. "Hoy, Sasa okay ka lang?" Tanong sa kanya ng kasamahan niya si Lucia. "O-oo okay lang ako. Medyo nahilo lang." Nang makaalis ang mga bisita ay saka palang sya nakahinga ng maluwag. Hindi niya kayang huminga ng kaparehas na hangin ng lalaki. Huminga sya ng ilang beses at pilit kinalimutan ang nangyari kanina. Magdasal sya na sana ay iyon na ang huling beses na magtatagpo ang mga landas nila. Pero hanggang makauwi sya ay hindi nawala ang bigat ng dibdib. Pinapatulog niya si Zeki sa kama nila at hinahaplos ang buhok nito. Tinitigan niya ng maigi ang mukha ng anak niya. Napaka gwapong bata nito at matalino. Sa edad na tatlong taon ay marunong na itong magsulat at magbasa ng konting letra. Matatas na rin itong magsalita. Kahit sa pagpikit ay naaalala niya ang pangyayaring pilit niyang kinakalimutan. Parang isang panaginip at bigla nalang bumalik ang nakaraan ng umagang magising sya kasama ang isang estranghero. Flashback -- She woke up feeling very exhausted and sore. Parang may mabigat ding katawan na nakapatong sa katawan niya kaya nagmulat sya ng mata. Her eyes suddenly big when he saw a man hugging her waist. Nakadantay din ang isang binti nito sa binti niya kaya pala mabigat ang katawan niya. Bahagya pa itong umungol na ikinalaki ng mata niya. Nakahinga sya ng maluwag ng bumalik din ito sa pagtulog at sumiksik pa sa tagiliran niya. Biglang isa isang pumasok sa ala ala niya ang pinang gagawa niya ng nagdaang gabi. Sa club, hanggang nalasing sya at sumama sa isang di kilalang lalaki. And then he remember how he f**k her! how he plead to kiss and touch her. OmyGod! Hindi niya masisi ang lalaki kung pinatulan sya nito kahit lasing. Maghubad ba naman sya sa harap nito! Kahit sinong santo ay hindi makapagpigil. At hindi din niya masasabing may pilitan na nangyari, sa gwapong lalaki nito ay baka pagtawanan sya at sya ang sabihing nang rape sa lalaki. Napalunok sya ng bumaba ang kumot nito hanggang ibaba ng bewang.Nakita niya ang v-line ng lalaki at anim na pandesal na nakahain sa kanyang harapan. Diyos ko Lord! Parang may yelong bumalot sa katawan niya ng marealize ang katangahang nagawa. Nilingon niya ang lalaking tulog na tulog sa tabi niya. Mahina niyang hinawakan ang kamay nito at inalis sa kanyang bewang. Bumangom din sya ng walang ingay upang hindi ito magising. Nang makatayo ay nagbalot sya ng kumot sa kahubdan at nag tiptoe na hinanap ang suot niyang panty kagabie. Nakita din niya ang lacy niyang bra pero pigtas na ang strap, sinuot niya parin iyon. Nakita niya iyong nakasampay sa banyo, ngumiwi sya ng makitang amoy suka ang damit niya. Kaya humanap sya ng pwedeng isuot. Nagkalkal sya sa closet ng lalaki at naghanap ng pwede niyang isuot. Mabuti nalang ay may nakita syang T shirt na hanggang tuhod ang haba sa kanya. Sinuot niya iyon at hinanap ang bag niya. Nakita niyang nakapatong sa bedside table iyon kaya dali dali syang lumapit at nagmamadaling lumabas ng condong iyon ng walang ingay. Iniwan niya ang lalaking tulog na tulog at kinuha pa niya ang tshirt nito. Bahala na! Para syang timang sa suot niyang malaking tshirt at high heels. Wala na syang paki alam kahit pinagtitinginan sya ng nakakasalubong, ang importante ay makaalis sya sa lugar na iyon. Dali dali syang pumara ng taxi at sumakay doon. Sa taxi na niya hinayaan ang sarili na umiyak at magdasal na sana ay hindi magbunga ang ginawa nila ng estrangherong lalaki. Lagot talaga sya sa pamilya niya. Mata lang talaga niya ang walang latay pag nalaman nilang nakipag one night stand sya sa lalaking nakilala niya sa bar. At worse ni pangalan pala ay hindi niya alam! Mas lalo syang napaiyak sa naisip. Pero kahit anong dasal ang ginawa niya ay may kapalit talaga ang mga maling desisyong nagawa niya sa buhay. End of flashback--- Nagising sya ng alas singko ng umaga, nagluto at naghanda para sa pagpasok sa trabaho. Tulog pa ang mga tao sa bahay nila. Ang mama at papa niya ang kasama niya sa bahay at isa niyang kapatid na lalaki. May isang mini hardware ang papa niya sa bayan nila, kaya kahit paano ay may hanap buhay ang pamilya. Ang kapatid niyang lalaki ay isang pulis at binata, mas matanda sya ng isang taon. Naghahain na sya ng pumasok sa kusina ang mama niya. "Ang aga mo nagising anak. Maaga ba call time mo ngayon?" "Parehas lang ma. Maaga lang talaga ako nagising. " Tumulong ito sa paghain ng niluto niya. Naghiwa din ito ng mga prutas at nilagay sa ginta ng lamesa. Sakto namang bumaba ang papa niya kasama si Zeki na nakasakay sa likod nito. "Zeki! Bumaba ka nga dyan. Mabigat kana at sasakit ang likod ng Lolo mo." Saway niya sa anak. Lumapit sya sa mga ito ay kinuha si Zeki para ipaupo sa silya katabi niya. "Okay lang naman anak. Naglalambing lang yang apo ko." At ginulo pa ang buhok ng bata na ikinasimangot naman nito. "Lolo, wag mo guluhin hairstyle ko. Sabi ni tito Calli pogi daw Zeki e. " "Sinungaling naman yan si tito Calli e. " Pang aalaska niya sa anak. "No. Sabi niya pogi daw ako! Mana daw ako kay daddy. Kelan po ba uuwi daddy ku?" Silang tatlo sa hapag ay walang maisagot. Hindi lang isang beses nagtanong ang anak kung nasaan ang daddy nito. Sinabi kong nasa malayo at nagtatrabaho. "A-anak, diba sabi ni mommy nasa malayo si daddy mo?" Malumanay niyang kausap sa bata. "Opo. "Dahil nasa malayo, matagal bago sya makauwi. Kasi maraming work si daddy at hindi niya pwedeng iwan. Andito naman si mommy e. Ako hindi ako aalis." Gusto na niyang pumalahaw ng iyak, awang awa sya sa anak niya. "Okay mommy. Iloveyou po. " At yumakap ang maliit nitong braso sa kanyang bewang. "Iloveyou too baby." Nagpatuloy na sila sa pagkain at hindi na din nagtanong si Zeki tungkol sa daddy nito kaya mas nakahinga sya ng maluwag. Alam niyang darating ang araw na maiintindiham nito ang lahat. Sa ngayon ay ayaw niyang sirain ang inosenteng isipan ng anak niya. Ayaw niyang isipin nito na may kulang sa pagkatao nito kaya hangga't kaya niya ay gagawin niya huwag lang masaktan si Zeki. Mahal na mahal niya ang bata. Naghanda na syang pumasok. Si Zeki ay maiiwan sa bahay kasama ang mama niya. Simula noong magbuntis sya ay doon niya napatunayan kung gaano sya ka swerte sa pamilya. Nang malaman ng magulang niya na buntis sya ay hinanap nito ang lalaking nakadisgrasya sa kanya, tipikal na reaksyon ng magulang. Pero wala syang maisagot at ayaw niya talagang sagutin. Mabuti nalang ay hindi na pinilit ng magulang niya kung sino. Inalagaan sya ng mga ito at tinanggap ng buong buo. Bunos pa na mahal na mahal ng pamilya niya ang anak niya. Humarap sya sa salamin at tiningnan ang sariling repleksyon. Maraming nagsasabing maganda sya, balingkinitan ang katawan. Maamong mukha at mataas din sya sa karaniwang height ng mga babae. Kahit may anak na, ay sexy parin sya at mas lumaki lalo ang dibdib. Maliit din ang bewang niya at flat ang tiyan. Nag apply siya sa mukha ng cream at kaunting lipstick. Kaunting suklay lang ng kilay, dahil may porma na iyon. Dinampot niya ang bag at lumabas ng kwarto. Hinanap ng tingin niya si Zeki at nakita niya itong naglalaro ng roblocks. Laumapit sya sa anak at hinalikan ito sa ulo. "Mommy is going to work baby. Huwag kang pasaway kay lola ah." "Yes po mommy. Goodboy po si Zeki." "Very Good baby ko." At pinupog niya ito ng halik sa buong mukha. Tawa naman ito ng tawa. Sana ay maging masaya sila kahit hindi kompleto. Dahil kahit kailan hindi sila mag eexist sa buhay ng daddy ni Zeki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD