"Mommy!" Malaki ang ngiting sinalubong niya sa Zeki sa labas nang kanilang bahay, kasama nang magulang niya. Sobra niyang na miss ang anak dahil isang linggo itong nagbakasyon na hindi siya kasama. Napasarap ang bakasyon nang mga ito sa probinsya kaya ngayon lang naka-uwi. Mahigpit niya itong niyapos at pinaghahalikan bago binuhat. "Did you missed me?" Tanong niya sa anak habang buhat-buhat ito. "Yes, mommy. Miss na miss po kita. I love you po. " Malambing nitong sabi. Na touch naman siya sa anak at pinanggigilan ang pisngi nito. Likas na malambing talaga ang anak niya sa kanya kaya't kahit isang linggo lang silang hindi nagkita ay parang isang taon na sa kanya. "I love you too baby. And I missed you very much. " Binaba niya ito pagkatapos at nagmano sa magulang niyang nakaupo sa

