SASA'SPOV-- My Sandara Guevarra... Kahit siya ay nabigla kung bakit ganoon ang sinabi ni Damon. Kung nakakamatay ang titig ay kanina pa bumulagta si Sasa sa klase ng tingin na ibinibigay ni Kean. Ang klase ng pagpapakilala sa kanya ni Damon na pinagtakhan niya ay mabilis niyang nakalimutan. His intense stare was making her knees weak. Feeling niya ay mahihimatay siya anumang oras sa kinatatayuan. "Sasa, Meet Mr. Keanno Valderama. He will also be part of our business soon." sambit ni Damon. Ang malamig nitong tingin na direkta sa kanyang mata ay mabilis binago at ngumiti ng peke. Alam na alam niya ang ngiting iyon. "Hi Ms. Guevarra. It's nice to meet you." anito na nilahad pa ang isang kamay sa harap niya, na para bang iyon talaga ang una nilang pagkikita. As if she was a totall

