SASA'SPOV- Unang araw nila ni Zeki sa bahay ni Keanno. Nangangapa siya at hindi pa alam kung anong dapat ikilos. Hindi naman talaga siya dapat nandito pero hindi naman pwedeng hindi niya kasama ang anak. Kumbaga sampid lang siya sa pamamahay ng binata. Gumising siya ng maaga para makapagluto sana, alam niyang papasok ito sa opisina at kailangan nitong mag breakfast. wife material ka gurl? Iling siya ng iling sa naiisip. Syempre hindi naman pwedeng senyorita siya sa bahay nato. Hindi niya nga alam kung anong role niya. Siguro ay yaya ng sarili niyang anak. Cold parin kasi ang lalaki simula ng dumating sila kahapon. Tumatawa at ngumingiti lang ito kapag si Zeki ang kausap. Mapapanisan siya ng laway kung buong isang araw silang hindi magkikibuan. May nakuha ang lalaki na magiging ba

