SASA'S POV-- Maginhawa at presko ang pakiramdam ni Sasa ng humiga siya sa kama. Kakatapos niya lang mag blower ng buhok at handa na sanang matulog nang may marahas na nagbukas sa pinto ng kanyang kwarto. Napaigtad siya sa gulat at tumutok ang paningin sa taong biglang pumasok sa loob ng kwarto niya. "A-anong kailangan mo?" Kandautal na tanong niya kay Kean na kakaiba ang titig sa kanya. Dinig niya ang mabigat nitong paghinga at hindi nakatakas sa kanyang paningin ang pawis ma namumuo sa noo ng lalaki. "I bet you have no idea what you're doing to me woman." sabi nito sa kanya. Naguluhan siya sa ikinikilos nito. "Bakit, ano bang ginawa ko?" Kunot noo niyang tanong. Ang plano niyang mahiga ay hindi na natuloy. "You're making me insane, do you know that?" Anitong dahan-dahan na l

