SASA'SPOV- Isang normal na naman na araw ngayon para kay Sasa. Pumasok siya sa trabaho at naging busy sa buong durasyon ng kanyang duty. Iniiwasan niya munang isipin si Keanno dahil kumikirot ang dibdib niya. Sinalansan niya isa-isa ang mga files ng finances sa buwan na iyon at pinag sunod-sunod. Malapit na silang mag lunch break at medyo nakakaramdam na siya ng gutom. Nang umalis siya ng bahay kanina ay nakita niya sa Keanno na nagkakape sa garden, may hawak itong dyaryo at busy sa kung anuman ang binabasa. Bahagya lang siyang nagpaalam at hindi na hinintay na sumagot ito.Si Zeki naman ay tulog pa sabi ni manang Tessie kaya hindi na siya nag abalang puntahan ito sa kwarto nito dahil nagmamadali rin siya. Pinahatid si ya ni Kean sa driver nito na si Mang Eman. Kahit sinabi nyang kaya

