SASA'SPOV- Nanginginig ang katawan ni Sasa at patakbong lumabas ng opisina ni Kean. Ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat. Kitang kita ng dalawang mata niya ang mahigpit na yakap ni Claire kay Kean. Nakatalikod ang lalaki sa gawi ni Claire at mahigpit ang kapit ng babae sa katawan ng huli. Wala naman sana siyang balak pumunta sa opisina nito ngunit naisipan niyang kausapin ang binata patungkol sa out of town na sinasabi nito. Gusto niya sanang sabihin na hindi na siya makakapunta. Ang totoo ay wala naman siyang balak sumama sa lalaki. Sinabi lang niya iyon upang hindi na ito magtanong pa. Siguro ay sa mga oras na iyon ay nakaalis na sila sa poder nito. May nahanap na siyang lugar na maaari nilang tirahan malayo sa Maynila. Ngunit hindi niya akalain na makikita niya itong kayakap ang

