KEANNO'SPOV-- Nakakabingi ang kabog ng dibdib ni Keanno sa mga oras na iyon.Ang ngiti niya kanina ay automatikong nawala. Nanginginig din ang kanyang tuhod at namamawis ang noo. Wala parin siyang maapuhap sabihin sa batang nasa kanyang harap. Bakit siya nito napagkamalang daddy? Tumitig siya sa bata at hinawakan ito sa balikat, ang mukha nito ay parang paiyak na ngunit pinipigilan lang nito iyon. "What d-did you call m-me?" Nanginginig din pati boses niya. His gray eyes! f**k! His eyes has the same color just like him. Parang nagkabuhol buhol ang bituka niya sa tiyan habang nakatitig sa mata ng bata. "Daddy." Inosente nitong sagot na lalong nagpagulo sa kanyang utak. "Wait, how do you say that I'm your daddy?" "Of course! I look exactly like you, we also have the same pair of

