Nagising si Sasa dahil may yumuyogyug sa kanya. Dahan dahan siyang nagmulat at isang pares nang kulay abong mga mata ang nabungaran niya. Bigla niyang naalala kung nasaan sila nang lalaki. Ngunit laking gulat niya nang wala na sila sa kotse kundi nasa isang kama. Malaki at parang kama nang isang hari. Nagtatanong ang kanyang matang tumingin kay Kean. "huh! nasaan ako?" Aniya habang luminga-linga sa paligid. "You're at my place. Hindi na kita ginising kanina dahil ang sarap nang tulog mo." sagot nito. "P-paano ako napunta dito? Binuhat- b-binuhat mo'ko?" Nauutal niyang tanong. "Yes. Ang bigat mo nga e. Mas mabigat kapa sa isang sakong bigas." "Feeler! Grabe ka sa'kin." sabay hampas niya sa braso nito. At inirapan ang lalaki. Natatawa naman nitong sinalo ang mga hampas niya. "

