SASA'S POV-- When she was 15 years old, maraming nagsasabi sa kanya na pwede siyang sumali ng beauty contest. Hindi iisang beses na may nag alok sa kanya na gawin siyang talent o isali sa mga patimpalak sa TV. Pero dahil nga lumaki siyang mahiyain at mahinhin, wala siyang pinagbigyan ni isa. Sa isip ni Sasa ay wala siyang bilib sa sarili pagdating sa pagandahan. Oo nga at maganda siya, aminado siya doon pero maraming mas maganda sa kanya. Kaya ngayon nga ay hindi niya alam kung tama bang pumayag siyang isali sa Auction. Mamayang gabi na iyon at ngayon palang ay kinakabahan na siya. Kung hindi lang dahil sa mga batang may sakit ay non'kang makumbinsi siyang sumali sa mga ganito. Gusto niyang tumulong kaya wala na siyang choice. Niladlad niya sa harapan ang damit na ipinadala sa kanya ni

