SASA'SPOV-- Nakatingin si Sasa sa harap ng isang bahay na pinagdalhan sa kanila ni Kean. Kakarating lang nila at hindi naman masyadong malayo. Mga twenty minutes ang byahe galing sa Condo ng lalaki. Nagulat nalang siya ng sinabi ni Kean na kailangan nilang lumipat ng bahay. Ang sabi lang nito ay mas maganda at magiging komportable ang anak nila. Kahit nagtataka sa biglaan nitong desisyon ay sumunod parin siya. Kung ikakabuti naman ng kanyang anak ay walang magiging problema. Mas malapit lang din pala ang bahay sa TimberLand kung saan pumapasok si Zeki. "Did you like it?" narinig niyang tanong ni Kean. Nasa tabi niya si Zeki at nanonood ng Cocomelon. Mukhang hindi nito namalayang nakarating na sila dahil busy sa pinapanood. "Maganda at presko ang paligid." aniyang tumingin dito. "Iyan

