Malapit nang sumabog sa inis si Gia dahil malapit nang magbukas ang cafe niya pero wala pa rin ang opening staff niya. Buti nalang at malapit lang ang condo niya rito kaya maaga siya palaging pumapasok kahit may opening staff siya. Pumikit sya at huminga siya ng malalim para mapakalma ang sarili. Sa mga ganitong sitwasyon natutunan niya na hindi dapat pinapairal ang init ng ulo. Muli siyang huminga ng malalim at dumilat. "Ay kabayong bakla!" napahawak sya sa dibdib sa labis na gulat. Nakatayo sa harap niya ang isang matipunong lalaki. Nakapamulsa ito sa kanyang harapan at titig na titig sa kanya. Na-conscious siya bigla sa titig nito na parang ine-examine siyang mabuti. Tumikhim siya para mawala ang awkwardness sa pagitan nila.
"Good morning, sir. How may I help you?" automatic na ngumiti siya at nag-shift ang mood. Kahit gaano pa kabado ang nararamdaman niya ngayon ay hindi niya ito pinahalata. Praktisado siya sa pagngiti dahil ilang taon niya na itong ginagawa. Naging barista rin siya noon bago niya napatayo ang Hevn's Dream Cafe. Dito niya ibinuhos ang naipon niya sa mga raket at sideline niya noong nag-aaral palang siya hanggang makapagtrabaho sa isang corporate world.
"One Cafe Americano, please." he said in a very sexy manner. Tiningala niya ito. Medyo may katangkaran ang lalaki kaya nakayuko ito ng kaunti sa kanya. Nakalapit na pala ito sa counter at masuri siyang tinititigan. At katulad ng una niya itong makita, para siyang nahipnotismo ng mga titig nito. Noon biglang tumunog ang chime sa pintuan na nagpagising sa kanya. Nilingon niya ang dumating at hindi napigilang mapangiti, ang bestfriend niyang si Hiro ang dumating. Mukhang day off nito dahil casual lang ang damit nito. Umupo ito sa paborito nilang couch at kumindat sa kanya. Inirapan lang niya ito.
Binalik niya ang tingin sa POS at nagsimulang magtipa sa monitor. "One Cafe Americano, hot or iced po?" tanong nya sa customer. Hindi ito agad sumagot kaya tinignan niya ito. Madilim na ang mukha nito at seryosong-seryoso. Napakunot-noo nalang siya.
"Hot."
Pumindot siya sa screen. "Large size na po?" nakangiti niya itong tinignan ulit.
"Yes, with extra shot of coffee." he said in a low voice.
Tumango siya. Tumipa siya sa screen at ibinigay ang amount ng order nito. Iniabot nito sa kanya ang card para sa bayad nito. Hindi sinasadyang nagdikit ang kamay nila ng abutin niya ang card. Para siyang napaso sa nangyari at nahila ang card sa kamay nito. "Sorry." hinging paumanhin niya. Isinalpak na niya ang card sa terminal machine at tinapos ang transaction.
"Please have a seat while I prepare your order, sir." Nginitian niya ulit ang customer sabay abot ng card at resibo nito. Parang sinasadya nitong haplusin ang kamay niya nang kunin nito ang card. Kahit nakangiti ay hindi napigilan ni Gia ang mahigit ang hininga. There it is again. Parang may maliliit na kuryenteng dumaloy sa katawan niya sa simpleng haplos nito.
Mabilis siyang tumalikod ng makuha nito ang card. Hindi niya ugali ang tumalikod sa customer pero gusto na niyang itago ang mukha sa harap nito. Alam niyang namumula na ang pisngi niya dahil nararamdaman niya ang init ng pisngi niya. Nagsimula na siyang itimpla ang order nitong Cafe Americano. Narinig niyang bumukas ang swing door ng counter kaya napalingon siya. Pumasok pala si Hiro at kasalukuyang nagsusuot ng apron.
"What are you doing?" tanong niya habang sinasalin sa paper cup ang kape.
"Helping you, I guess?" saad nito na tinatali ang apron sa likod. Lumapit ito sa kanya at magaang humawak sa baywang ko. Isang halik sa pisngi ang binigay nito at walang salitang nagtungo sa loob ng back office. Maya-maya pa ay narinig na niya ang musika ng LANY. SuIiling-iling na napangiti siya. Mukhang broken-hearted ang mokong ah.
Nilagyan na niya ng lid ang papercup at humarap sa dispatch area. Nakatayo na roon ang customer at nakalagay sa bulsa ang dalawang kamay. "Here's your Cafe Americano, sir." Inilapag niya ang papercup nito at inabot ang ilang piraso ng tissue. Hindi nito agad kinuha ang kape kaya tiningala niya ito ulit.
"Do you need anything else, sir?" nagtatakang tanong niya. Nakatitig pa rin ito sa kanya at parang may mga paru-parong nagliliparan sa sikmura niya sa paraan ng titig nito. Para siyang hinuhubaran.
Humakbang ito papalapit sa kanya. There was something in his eyes.. Is it longing? "I wa-..."
"Gi, hindi raw makakapasok si Meann." putol ni Hiro sa sasabihin ng customer habang nakatingin sa company phone. Napalingon kami pareho sa kanya. Nag-angat ito ng tingin at napatitig sa lalaki sa harap ko. Nagtitigan sila at parang nagsusukatan ng tingin. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil sa namumuong tensyon na hindi ko maintindihan. "Maximo." seryosong salita ni Hiro. Napalingon ako sa lalaking nasa harap namin. Maximo? Sounds familiar...
"Hiro." Nakapamulsang saad ni Maximo. Tinitigan niya parin ito ng seryoso.
Lumapit sa akin si Hiro at hinawakan ako sa baywang. Nanibago ako sa anyo nito at parang possessive ang paraan ng paghawak nito sa baywang ko. Nilingon ko si Hiro at tinignan. May amusement akong nakita sa mga mata kaya hinarap ko si Maximo. Ito naman ang hindi maipinta ang mukha at nakatingin sa kamay ni Hiro na nasa baywang ko.
"So what are you doing here?" tanong ni Hiro.
"Buying coffee." simpleng sagot ni Maximo at inabot ang kape na nakapatong sa counter. Parang balewala ang init ng kape dito ng humigop ito sa baso. Napangiwi ako dahil parang ako ang napaso. Isang tingin nito sakin at umalis na. Narinig ko ang mahinang tawa ni Hiro sa likod ko. Hinarap ko ito at hinampas ang braso.
"Ouch." hinimas nito ang brasong hinampas ko.
"What was that for?" nakapamaywang na ako sa harap niya.
"Nothing." he said. Iwinasiwas pa nito ang kamay sa harap para i-emphasize ang sinabi. "Don't overthink, Gia. It was nothing."
"Sino 'yun? Kilala mo yun?"
Hinawakan niya ang mukha ko at kinurot ang pisngi ko. "Ang cute-cute mo talaga. Sana sayo nalang ako nagka-gusto."
Bigla ko nilayo ang mukha ko sa kanya at pinaghahampas siya. "Nakakainis ka. Buwisit buwisit buwisit." Namula ang pisngi ko sa sinabi nito habang ito naman ay walang tigil sa kakatawa. Alam naman nito na may crush ako sa kanya pero matagal na iyon. Mas na-appreciate ko ang pagiging matalik na kaibigan namin kaysa ibang bagay.
***
Naikuyom ni Maximo ang kamao nang makita ang paghawak ni Hiro sa mukha ng dalaga. That son of a b***h! Hindi niya alam kung ano ang sinabi nito pero nakita niya ang pamumula ng pisngi ng dalaga. Naibsan ang nararamdaman niyang galit nang makita niya ang paghampas-hampas nito sa binata. That's my girl!
Yes. Soon she'll be mine and no one can stop him. Not even that guy will be able to stop him from executing his plans. He sipped the coffee that he bought from the coffee shop. A dangerous smile formed on his lips. Oddly, it tasted sweet.