Matapos ng paguusap nila ni Lance ay sabay na silang umakyat sa taas. Kinakabahan siya dahil alam niya na pagkatapos ng gabing ito tuluyan na silang magiging mag-asawa nito. Ito na ang simula ng totoong pagsasama nila. Nang makpasok sa loob ng kuwarto ay mas lalo siyang kinabahan. Dumeretso siya sa kama at umupo doon. Kasunod niya ang asawa na umupo sa tabi niya. Hindi niya alam kung paano aakto lalo na at nararamdaman niya ang titig ng asawa na nasa tabi lang niya. “Kate” Tawag ni Lance sa kanya at wala siyang ibang puwedeng gawin kundi ang tumingin dito kahit pa kinakabahan siya. “Are you sure about this?” Tanong nito habang nakatitig sa mga mata niya. “Tell me if hindi ka pa handa. I can wait until your ready. Hindi natin kailangang magmadali.” Sabi nito sa kanya at dinig niya ang paga

