Sana pala sa mansiyon na siya tumuloy at tinext na lang si Lance. Baka malaman ng mga reporters na andito siya for sure magkakagulo. Pero gusto niya na talaga makita si Lance at may ibabalita siya dito. Sana makausap niya ito pero kung busy ito uuwi na lang siya at doon na lang ito iintayin. “Ms. Medina?” Tawag ng babae na tumayo sa harapan niya at nang tignan niya ay hindi ito ang receptionist na nagassist sa kanya kanina. “Yes?” Sagot niya dito. “He is free and will see you now. If you please come with me.” Anito na nginitian siya at inabot ang ID niya sa kanya. “Ok” sagot niya dito at nginitian ito pabalik. Tumayo siya para sumama dito. Nauna itong naglakad at sumunod siya Sinalubong sila ng mga lalaki na naka white na polo. Napansin niya na ang iba doon ay dumeretso sa visitors area

