Chapter 4

1085 Words
Nagising si Kate sa alarm ng cellphone niya. Pagtingin niya ay 6 am na din pala. 9 am ang reporting time niya sa ospital na pag kuhaan niya ng residency. Bumangon na siya at naghanda da pagapasok. Nakarating siya sa ospital 30 minutes before ng reporting time niya kaya nagkaruon pa siya ng time para maka kwentuhan ang ibang kasamahan niya sa residency. Magspecialize siya sa pediatrics since na mahilig siya sa mga bata. Naging magaan ang araw niya hindi sila masyadong busy dahil umpisa pa lang naman ng residency nila. Nagring ang phone niya habang palabas siya ng hospital. Huminto siya para saguting ang phone at nakita niyang si Alex ang nasa kabialng kinua, napangiti siya “Hello, Atty!” Masayang bati niya dito “Hello, Doc!” Napatawa siya sa tinawag nito sa kanya. “Matagal tagal pa bago mangyari iyon” aniya dito , narinig pa niya ang pagtawa nito sa kabilang linya. “Dinner?” Tanong nito. “Sure pauwi na rin naman ako” aniya dito. “I know, I’m here outside the hospital” sabi nito “Ok, see you.” At binaba na ang linya paglabas niya ay nakita na nga niya si Alex na nagaantay sa labas ng kotse. Lumapit siya dito at pinagbuksan siya ng pinto. Sumakay siya at umikot na ito sa drivers seat. Hindi nagtagal ay nasa biyahe na sila. “Where to?” Tanong nito “Ikaw? But I fancy some italian food today if it’s okey with you?” Sabi niya dito. Ngumiti ito at tumango “Italian food it is”. Ilang minuto pa ay nasa harap na sila ng Franchesco an Italian Restaurant. Ipinark nito ang sasakyan at kagaya ng lagi nitong ginagawa ay pinagbuksan siya ng pinto at sabay na silang pumasok sa loob. Nang makaupo ay nag order na sila ng food, pagalis ng waiter ay tumingin si Alex sa kanya “What?” Sabi niya dtio. “Your husband made contact” sabi nito na nagpalaki sa mata niya “He made contact?” Hindi makapaniwalang sabi niya dito. Ang tagal niyang inantay na sabihin ito ni Alex after month na wala siyang nakuha isagot after ipadala ang divorce papers kay Lance ay umalis na siya sa bahay nito. After niyang makatapos ay nagantay pa siya ng 6 months kung pauuwiin na ba siya ng asawa pero wala siyang narinig buhat dito sa halip ay nakakita siya ng bagong litrato nito na kasama ang on and off na girlfirend nitong modelo na si Lora. sweet na sweet ang dalawa at masayang masaya sa picture. Nanikip ang dibdib niya ng maintindihan niya na walang pagpapauwing magaganap. Hindi siya inaantay ng asawa na makatapos kagaya ng pinaliwanag ng assistant nito na si Philip ng puntahan siya sa Cebu para papirmahan ang marriage contract nila. Sadya siyang pinadala ng asawa sa US para magkahiwalay sila. Well provided naman siya bahay, allowance at pagaaral. Pero hindi niya ginamit ang pera nito sa pagaaral pati ang monthly allowance niya. Nagenroll siya sa ibang university na gamit ang perang namana mula sa ama. Nagpart time din siya at sa konting kita sa farm na dinedeposit ni Tatay Manny sa account niya siya kumukuha ng panggastos para sa allowance niya. Naiwan ang pamamahala sa farm dito at kay Nanay Minda ng magpakasal sila ni Lance at umalis siya paabroad. Pinakiusapan din niya ang biyenan, si Papa Mario na baka puwede tumulong sa farm nang minsan bisitahin siya nito na sinangayunan naman nito. Katulong din ng mga ito si Grace at siya na ngayong namamahala sa accounts ng farm. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman ngayon na tumugon na si Lance sa pinadala niyang divorce papers. Tumango siya at ngumiti dito “Th-thats good right?” Nauutal na sabi niya. Hinawakan ni Alex ang kamay niya na nasa lamesa at pinisil ito. Hindi niya maiwasang maiyak, naramdaman niya ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. Inabutan siya ng tissue nito “Thank you” sabi niya at pinunasan ang luha sa mga mata “Pasensya ka na, A. Hindi ko lang mapigilan na maiyak. Alam mo naman na hindi madali sa akin ang lahat ng ito.” Paliwanang niya “I do understand” sabi ni Alex. Kinalma niya ang sarili nang dumating na ang food nila at nagumpisa na silang kumain. Habamg kumakain ay nagusap sila tungkol sa ibang bagay. Mamaya na nila paguusapan ang sitwasyon ng divorce papers. Sa ngayon ay magkaibigan muna sila at mamaya naman ay attorney client na ang magiging relasyon nila. “Shall we discussed?” Tanong nito, tumango siya “He wants to speak to you directly bago siya pumirma” sabi ni Alex na nagpakunot ng noon niya “Speak to me?” Naguguluhang tanong niya “For what? Nakalagay naman dun na hindi ako naghahabol ng alimony and I will not disclose to anyone na naging magasawa kami.. Wala naman na kaming dapat pagusapan pa” naguguluhang tanong niya. “Hindi ko din alam, Maybe it’s his ego. Hindi siguro siya makapaniwala na uunahan mo siyang magfile ng divorce papers.” Sabi nito and it make sense baka nga nadali niya ang ego nito nang mauna siyang gumawa ng paraan para maghiwalay sila. “What is your advise, Atty?” Tanong niya. Sumandal ito sa upuan at tumingin sa kanya “It’s up to you? Do you want to meet him? Puwede ko naman na ipilit na hindi na kayo magkita and he only needs to signed the papers we can even make a non-disclosure contract para makampante siya” anito. “I think that’s the best, there is no need na magkita pa kami right?” Tumawa si Alex at hiningi na ang billl, pagkabayad ay umalis na sila at habang palabas sila ay siyang papasok naman ni Lance kasama ang girlfriend nito na si Lora habang nakakapit sa braso ng asawa niya. Napahinto siya sa paglalakad at nilingon siya ni Alex. Sinundan nito ang titinitignan niya at hinawakan siya sa kamay at hinila. Yumuko siya at nagpaakay sa kaibigan. Nagkasalubong sila ng asawa pero walang batiang naganap, deretso lang si Lance nang pagpasok sa restaurant. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Lahat ng atensiyon nito ay na kay Lora. Ayaw man niyang masaktan ay hindi niya maiwasan ang kirot na naramdaman niya. Wala talaga siya sa isip ni Lance hindi man lang siya namukhaan ng asawa. Deretso lang ito sa pagpasok at siya ay diresto sa paglabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD