Nagising si Kate na magisa na sa kama, napangiti siya ng maalala ang nangyari kagabi. Nagtataka man siya na tumabi ang asawa sa kanya sa pagtulog pero hindi niya naiwasan ang sayang nararamdaman na nakatabi niya ito at magkayakap pa silang natulog. Sa umpisa pa lang ay alam niya na may iba na siyang nararamdaman para dito. Hindi pa niya alam kung ano iyon nung una pero alam niya sa sarili niya na mahalaga sa kanya ang binata at sa paglipas nga ng mga taon ay narealize niyang mahal niya si Lance. Hindi man sila nagkaroon ng tsansa na magkasama nito at maging malapit sa isa’t-isa ay minahala na niya ito. Lagi niyang inaabangan ang pagbabakasyon ni Papa Mario sa farm. Umaasang kasama nito si Lance pero lagi siyang nabibigo. Hindi na ito nasama sa Cebu dahil abala daw sa pagaaral at maramin

