CHAPTER 12 - THE FILE
Samantha's POV*
I was glad we solved the case, at di ko pa rin maiwasang di humanga kay Draico. He is freaking good. Hindi naman pala puro pagmamayabang ang alam nun eh. Akala ko talaga hangin lang ang laman ng utak niya.
I chuckled with the thought. Napailing na lang ako and grabbed a towel saka dumiretso sa bathroom. I took a bath for more than 30 minutes.
Nang bumaba ako my whole family is already there. I saw mom and dad smiling at me, and si Stephanie na parang walang paki sa akin. How could she? Hindi man lang siya nakonsensiya?
"Good morning mom and dad," I said and kissed their cheeks. Umupo ako sa usual seat ko which is unfortunately, the seat beside Stephanie.
I am not mad at her. Pero di ko maiwasang di masaktan sa ginawa niya. Kung tutuusin, what she did is backstabbing. Ako dapat ang nagsabi sa lahat sa nagawa kong kasalanan. No one told her to mind my business.
Wala akong sapat na ebidensiyang magtuturo sa kanya na siya ang maygawa nun. But yesterday I found the recorder she sent to Sophie, and the record of me confessing about the murder I did. It was under her pillow. Kung wala lang talaga siyang sakit, I would have slapped her. I would have hurt her.
"Is everything okay my little princesses? I hate the atmosphere here," mom said with an awkward laugh. Mom is obviously trying to lighten up the atmosphere.
"I heard you helped the police with the investigation yesterday, Sam. " Dad said and smiled. Nahiya tuloy ako.
"Naikuwento ko na sa inyo eh, remember?"
"Ah, yes, I forgot."
"Honestly Draico did everything, wala naman akong nagawa eh," I answered. Mom chuckled.
"Still you are there, good thing you are not afraid of blood or a dead body?" mom said. Natawa naman ako.
"Honestly I was shocked pero nangibabaw talaga ang awa na naramdaman ko. Jealousy isn't a good thing," kuwento ko sa kanila. I even glanced at Stephanie when I said jealousy.
"How about you Stephanie?" mom asked.
"Same old," Stephanie answered. Pinilit pa rin ni mom na ngumiti dahil sa tipid na sagot ni Stephanie.
Natapos na kaming kumain so I decided to take a walk in the garden. Unfortunately, I saw the lease person I want to see. She turned around and greeted me with a smile. A fake one.
"How does it feel to have their attention, my dauntless sister?" tanong niya.
"Huwag mo 'kong simulan Stephanie, I came here to relax not to argue with your nonsense way of thinking," I answered and turned my back on her. But unfortunately hindi niya talaga ako tatantanan.
"And now you decided to be a hero unraveling the truth. Ganyan ka ba talaga kadesperada na makuha ang atensyon ni mom and dad?" di-makapaniwalang sabi niya. Instead of being annoyed, I gave her my sweetest smile.
"Why don't you answer your own question? Ikaw naman ang papansin eh," I answered. She glared at me.
"I really hate yo--"
"Hate me all you want, Steph. So, we'll argue about this again and again? Hindi ka ba talaga makaintindi o sadyang bobo ka lang talaga?" I answered. Alam kong sa tono ko ay halatang naiinis na ako. Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako.
"Alam kong ikaw ang nagbigay ng record kay Sophie and made the whole campus hear it. That's what you called PAPANSIN," pagpapatuloy ko.
She was about to say something when her phone rang. Agad niya itong kinuha mula sa kaniyang bulsa. From an annoyed face, napalitan ng di-mapakaling mukha ang aking nakita. Naglakad siya palayo sa akin and answered the phone.
That was weird. Why does she looked so nervous?
Napahinto ako when my phone vibrated. Agad kong kinuha ito and saw Draico calling me.
"Oh?" sagot ko sa tawag.
[Have you seen the files already?]
"H-Ha? Di kita marinig? Hello?" I said acting like the signal is low. Damn, the files! Nakalimutan ko na!
[I said the files, did you see it already?] tanong niya. Pinanindigan ko na lang ang pagkakaroon ng low signal.
"Hello? Hoy Draico! Mahina signal dito eh, tawagan mo nalang ako mamaya!" I said and ended the call.
I did not remember bringing a folder pauwi sa bahay. Did I leave it there?
___________
Blanche's POV* (Mathew's mom)
"Bilhan mo nga ako ng hilaw na mangga! Bilis!" I demanded. Renzo looked at me unbelievably.
"That is the fifth time you asked for that already, naubos mo lahat agad? As far as I remembered I went to the market several hours ago, and I bought 2 kilos of unriped mangoes tapos naubos mo agad? What if you'll get indigestion? Makakasama sayo yan! Di ka ba nag-iisip? Ikaw talag--"
"Ano bang ikinapuputok ng butse mo? Ako naman ang kakain hindi ikaw eh!" I shouted. Gusto ko talagang kumain ng mangga! Ano bang problema dun?
"Yeah, but you are MY responsibility. Baka magkasakit ka--"
"I can handle myself!"
"Here we go with that line again! Hindi naman sa pinagbabawalan kitang kumain ng hilaw na manga, but the thing is you already ate too much! 2 kilos is enough, okay?" sabi niya. Wala akong ibang magawa kundi sumimangot.
Nagpapabili lang naman ako ng mangga eh! Ang dami-dami pang sinasabi! Pero sige na nga! May point rin siya eh!
"You are making me nervous wife, you are so weird today," sabi niya. Kumunot naman ang noo ko.
"Anong weird? Ikaw kaya 'tong OA!" sabi ko. He sighed.
"When Math was inside your womb, ayaw na ayaw mo talaga sa mangga. Then now, you are--uhmm nevermind."
"Huh?"
"Nothing," he said at kinalikot na naman ang phone niya.
"Ano ba kasing ginagawa mo sa phone mo?" I asked. Naglalaro kasi siya nung game na noon pa niya nilalaro. Parang naaadik na nga siya eh.
"I'm playing Everwing. Wanna try? It's amazing," sabi niya at pinindot-pindot na naman ang phone niya.
"Pa-try nga," I said at kinuha ang phone ko. Wow, ang cute-cute! Parang mga mangga!
Several minutes later pumasok si Tito Galvan, uncle ni Renzo. Agad akong nagmano sa kanya.
"Tito! Di ka man lang nagsabi na dadalaw ka rito!" nakangiting sabi ko. Nagmano naman ako sa kanya.
"Aba siyempre! May surprise ba na sinasabi?" sagot niya. Oo nga naman, ang bobo ko talaga!
"Nasaan ang paboritong alaga ko?" sabi niya at tinignan ang paligid. Hinahanap niya si Math.
"Nasa kwarto niya tito," I answered.
"Nasa kwarto niya na naman? Sige, puntahan ko muna! Saka, don't call me tito, okay?" sabi niya. He keeps on insisting na dad daw dapat ang itawag ko sa kanya pero ayoko.
Si Tito Galvan and si dad ang nag arrange sa aming dalawa ni Renzo. Remember the time nung pinatawag kaming dalawa ni Renzo sa isang restaurant? (See Special Chapter 1 in Verzalias High) I was right. Hindi nga dad ni Renzo 'yon. Pinatay ng ina ni Renzo at Grey ang dad nila, nakulong si Madam so ang nag-alaga sa kanila ay ang tito nila. Ang totoong apelyido ni Renzo is Alberts, Ferrer ang ginamit niya noon para walang makaalam na related sila ni Grey.
"Mall tayo! Mamaya na yang Everwing mo!" anyaya ko kay Renzo. Ang boring sa bahay eh! Saka parang nakakainis makita ang bahay ngayon. Di ko lang alam bakit. Basta naiinis ako!
"Fine!" sabi ni Renzo and sighed in defeat. "Sandali lang I'll change clothes first."
"Bilisan mo ha! Suntukin kita eh!" sigaw ko.
I'm always thankful for my family. Hindi ko aakalaing ito ang blessing na dadating sa akin. After everything we went through, lalo na noong nasa highschool pa kami, we're still alive and well, and still together. I'm very lucky. Pero nakakairita lang talaga minsan. Ang bagal ni Renzo!
________
HIS POV*
"Nakuha ko ang files na sinasabi mo," he said, handing me the folder.
"Nabasa niya ito or wala pa?" I asked. Umiling naman siya.
"Good. You may now leave," sabi ko. He bowed once more and left me.
Binuga ko ang usok mula sa sigarilyo at inilagay ang folder sa desk. Masyadong pakialamero ang anak mo Arthur Anderson, should I give him the taste of his own medicine?
I was impressed though, they solved the case. It was an easy one after all, even dumb people can solve it. Or maybe not.
Pumasok ang isang tao na hinihintay ko. Naglakad siya papunta sa akin and bowed before he started to speak.
"Should I kill her already?" mahinahong tanong niya. Tumango naman ako.
"Make sure not to leave a trace," I answered, and lit another cigarette stick.
"You know me too well, malinis akong magtrabaho," he answered.
"Just making sure," I answered at bumuga na naman ng usok.
"By the way, we need a fetus," sabi ko. Kumunot naman ang noo niya.
"Why?" he asked.
"To test the formula, and if it works, our study will be successful. So bring me a pregnant woman before this month ends, or else you know what will happen," sabi ko. Tumango naman siya.
"Leave," I said. He bowed and left the room.
Magbabayad kayo. I'll make sure your children will suffer as well. Just wait for my turn, you underestimated me.
(end of chapter)