(Author's note: This only a flashback.)
MUSIC 6
"BUKAS na pala yung Highschool Band Battle, anong kakantahin natin?" masayang tanong ni East.
"Kakantahin natin yung kantang ma-aappreciate ng lahat, at sa kantang 'yon nakasulat kung ano ang pinagdaanan natin bago natin naabot ang pangarap na 'to. Okay ba?" Nakangiting sabi ni Harmony na ikinatango nilang lahat.
A song that can appreciate the people who's listening it.
♪Comeback home!
Can you please. comeback home!
I wanna see you home, right now!
Oh baby, Comeback ho-♪
"Yes, honey?" sagot ni Harmony sa tawag.
"*chuckle* Hahabol ako promise... As if I'll let you do that.. Of course not!... No way in hell, Chennessy! Ikaw lang sapat na sa'kin.. *laugh* I love you... Hey, I want my I love you bac–honey? Hey.. Tss."
Nandidiring nakatingin silang tatlo kay Harmony habang binabalik nito ang phone niya sa bulsa.
"Bakit tumawag sa'yo si Chennessy? May problema ba?" tanong ni Anthony sa kaibigan.
"May problema? Hindi mo ba narinig yung sinabi niyang 'Ikaw lang sapat na.'? Ang corny pre!" nandidiring sigaw ni East habang tinatapik-tapik ang balikat ni Harmony.
Napailing nalang siya sa sinabi ng kaibigan.
"Shut up, East. Anniversary namin bukas, kaya sinabi kong hahabol ako, tapos sabi niya baka mambabae lang daw ako kaya ko sinabi yung Ikaw lang sapat na.. Etong mukhang 'to babaero?! No way!" inis na sabi niya.
"Kaso baka gabihin tayo.. Nangako pa naman ako kay Haenna na mamamasyal kami bukas, kasi babawi ako sa kanya." malumanay na sambit ni East.
Tomorrow is my sister engagement party.. How could I forgot that!?
"Tomorrow is my brother and Mad's sister engagement party, at dapat ando'n kaming dalawa ni Mad."
Lahat sila may kailangan puntahan bukas pero eto na yung chance nila para matupad ang pangarap nila, kaya hindi nila pwedeng palampasin ang oportunidad na ito.
"Kaya naman siguro nating humabol noh? At pwede namang ipagpabukas mo yung pamamasyal niyo ng kapatid mo East eh." Nakangiting sambit ni Harmony para mawala ng panandalian ang iniisip nila.
NAGHAHANDA na ang grupo ni Mad dahil sila na ang sususnod na mag-peperform.
"We can do this!" sigaw ni Anthony.
"YEAH!!" sigaw nilang tatlo.
"One!" Harmony
"Two!" Anthony
"Three!" East
"HEAM!" Mad
"KINGS FOR THE WIN!!" sabay sabay nilang sigaw.
Lumabas na silang apat dala-dala ang instrumento nila.
Si Mad sa bass, si Harmony sa keyboard, si Anthony naman sa Electric guitar, and sa Drum naman si East.
"HEAAAM KINGS!!!!!!!"-tili ng ibang nanonood.
"WE LOVE YOU HEAM KINGS!!!"
Seryoso lang ang mukha ni Mad ng lumabas sila samantalang yung tatlo ay nakangiti habang kumakaway sa mga nanonood.
Sinimulan niyang tumugtog hanggang sa tumugtog na rin yung tatlo.
(A/N: sorry po, I'm not into rock music mas gusto ko po yung ballad and soft song. Hehe.)
Mas lalong lumakas ang sigawan ng magsimula silang kumanta.
Si Mad sa intro, sumunod naman si East.
"MAMAMATAY NA AKO!!!"
"HEAM KINGS!!"
"♪We rock, we roll, and we sang!
We are HEAM kings!!
We are the king of the world!"-Anthony.
"H for Harmony!"-Harmony
"E for East!"
"A for Anthony!"
"And M for MAD!"
"MAD! MAD! MAD! HEAM kings!!"-sigaw ng audience.
Natapos ang kanta at sabay-sabay silang nag-bow sa audience.
"KYAAAAH!!!"
Bumalik sila sa backstage at hinintay matapos ang laban.
"Wooh! That was great, guys!" masayang sigaw ni East.
Napangiti si Mad ng maliit.
"Konting oras nalang, pero makakahabol pa ba tayo? It's already 9:35 p.m." Anthony said habang nakatingin sa wrist watch niya.
"Oh crap!! 35 missed calls and 43 messages from Chennessy!" Biglang sigaw ni Harmony pagka-tingin niya sa phone niya.
Kinuha niya ito mula sa kaibigan at binasa ang ibang message.
-Hey honey, where are you?-
At 7:00pm
-Are you busy?-
At 7:30pm
-Pupunta ka pa ba?-
At 8:05pm
-Hey, alam mong ayokong pinaghihintay ako.-
At 8:25pm
-Harmony!!-
At 9:00pm
-Nakailang tawag na ako hindi mo pa rin sinasagot!-
At 9:15pm
-May babae ka ba?!-
At 9:25pm
-Harmony Draime, Anniversary natin ngayon pero wala ka.-
At 9:30pm
-Harmony.. Let's break up.-
Just now
Binigay niya agad kay Harmony ang phone ng mabasa niya yung huling message nito.
"Go. Your girlfriend needs you more." pagkasabi niya no'n agad itong tumakbo paalis.
He still need to leave and celebrate his and his girlfriend's first anniversary.
PAGAKADATING ni Harmony sa park na napagusapan nilang dalawa ni Chennessy na mag-celebrate ng first anniversary nila dito ay nakita niya itong lumuluha habang nakaupo sa hinanda nitong date para sa kanilang dalawa.
"H-honey.." mahinang tawag niya rito.
"Bakit ngayon ka lang? I've been waiting for so f*****g long, Harmony!!" sigaw nito ng hindi tumitingin sa kanya.
Lumakad siya palapit dito at akmang yayakapin ng tumayo ito at lumayo ng konti.
"S-sorry.."
Hinarap siya nito at tinignan siya ng masama.
"Sorry?! Simula 4 hinintay kitang dumating! I even prepared foods for us! Prepared all this! This is supposed to be our special day pero asan ka?! Kahapon wala ka rin, you promise! Pinagbigyan kita kahapon kaya nga hindi ko na binanggit sa'yo na hinintay kita sa mall kahapon eh, kasi alam kong nakalimutan mo yung pinangako mong magdedate tayo!" umiiyak na sigaw nito sa kanya. "Hindi naman kita pinipigilan sa banda mo pero nawawalan ka kasi ng oras para sa'kin eh.. I think.." napahikbi ito ng malakas.
"N-no! Please, don't!" pagmamakaawa ni Harmony.
Alam niya na ang susunod na sasabihin nito, kaya gano'n nalang siya makapag-react.
He loves this girl so much at hindi niya kakayaning mawala ito sa kanya.
"I'm so sorry, Harmony.. I want you to continue your dream at alam kong magiging sagabal ang relasyon natin para matupad mo 'yon." Umiiyak na sabi nito at hinawakan ang pisngi niya na may luha. "I love you so much, Harmony... But it's better this way."
And for the one last time she kissed Harmony fully in the lips, before leaving.
Napaluhod sa lupa si Harmony at tahimik na umiiyak.
INA-ANNOUNCE na ng judge kung sino ang panalo at walang kaalam-alam sila Mad sa nangyari sa kaibigan.
"THANK YOU FOR YOUR WONDERFUL PERFORMANCE BAND OF... what's this? Men–"
Sobrang kaba ang nararamdaman nila Mad ng banggitin nito ang 'Men'.
"Oh! CONGRATULATION MENFRIDEO BAND!!!" sigaw ng judge.
'Disappointment'. That's what Mad and his friends felt after hearing who's the winner is.
"Mukhang hindi na tayo makakahabol sa party, Mad." dismayang sabi ni Anthony.
Naglalakad sila papunta sa parking lot para kunin ang kotse nila. Magsasalita na sana siya ng may marinig silang ingay na galing sa kotse at parang may nabangga.
"AY DIYOS KO!! TULUNGAN NIYO YUNG BATA!!" sigaw ng isang matandang babae.
Napatingin silang tatlo do'n at dali-daling tumakbo ng makita ang isang kotse na sira-sira.
Nakipagsiksikan sila sa mga taong nakikisyoso.
"What—HAENNA!!?" sigaw ni East.
Dali-daling kinarga ni East ang kapatid.
"HAENNA?! Wake up.. Please, wake up." naiiyak na sabi nito habang karga-karga ang duguang katawan ng kapatid.
Tumakbo sila papunta sa kotse niya at do'n pinasakay ang kaibigan, pinaandar niya agad ang sasakyan habang nakasunod sa kanila si Anthony.
"Haenna? Kuya's here. Wake up now, please.."
Yakap nito ang kapatid habang umiiyak at sinasabihan ng 'wake up'. Naaawa siya sa itsura ng kaibigan kaya mas lalo niya pang binilisan ang pagpapatakbo sa sasakyan.
"K-kuya? An-ansakit po ng katawan ko.." biglang sambit ni Haenna at may tumulong luha sa mata.
"Shh.. K-kuya's here now.. Please, be okay." pumiyok pa ang boses nito ng sabihin iyon.
Haenna is just a f*****g 15 years old girl, and she's too young to feel this kind of pain.
Inihinto niya ang kotse sa tapat ng hospital, bago nagsisisigaw at tumatawag ng doctor.
"DOC.!! NURSE!! ASSIST US!" sigaw niya.
Agad nagsikilos ang mga doctor and nurse ng makita ang hawak ng katabi. Inilagay nila ito sa stretcher at itinakbo papasok sa E.R.
Maya-maya lang nakita nila si Anthony kasunod si Harmony na may malungkot na expression at medyo mugto ang mata.
"I'm sorry, I wasn't there." malungkot napaumanhin ni Harmony sa gilid.
Umiling lang si East at tahimik na umiiyak.
"How was your date with your girlfriend?" seryosong tanong niya rito.
Malungkot ang mata at mapait na ngiti ang natanggap niya mula dito.
"She broke up with me."
Napailing nalang siya.
Na-late lang break na, tsk.
Napatingin silang apat sa mga nurse and doctors na nagkakagulo ulit pero nangunot ang noo niya ng makita ang magulang niya.
What are they doing here?
Napatingin siya sa dalawang bagong pasyente at parang nawala lahat ng dugo niya ng makita kung sino ang mga 'yon.
Ate..
"Kuya..." Anthony.
It was Meddison Eryx Dion, his older sister, and her fiancé Tyrone Salvador.
Wha—what is happening?!
Nang makita siya ng kanyang ina agad siyang nilapitan nito at sinampal ng malakas dahilan para mapabaling ang ulo niya sa ibang direksyon.
"K-kasalan mo 'to! Kung dumating ka sana agad sa party hindi sana siya mag-iinsist na suduin ka!!" umiiyak na singhal sa kanya ng ina. "May iniwasan silang bata kaya nandito sila ngayon!! Walang malay at duguan!!"
Could that kid be......
Haenna?
************