MUSIC 8

1009 Words
MUSIC 8 HINDI maiwasan nila Mad na marinig ang mga bulung-bulongan sa paligid habang naglalakad sila sa hallway. 'Ano kayang gagawing parusa sa kanya ni king Mad?' 'Ang ganda nung boses nung kambal ni king Harmony noh?' 'Nakakatakot magalit si king Harmony, grabe!' 'Paniguradong kawawa yung babae.' "Tsk!" Napatingin siya sa babaeng familiar ang mukha na bumulong sa kasama niya—na kambal ni Harmony. Sinundan niya lang ito ng tingin habang lumalagpas sila sa isa't isa. She didn't even bother to looked at my direction!! What the hell?! Sumama bigla yung aura niya dahil sa ginawang hindi pagpansin sa kanya ng babae. You'll damn pay for what you did yesterday, ms. Dayrocas! Ready yourself later. Napangisi siya sa naisip na gagawin niya sa babae mamaya. Nagtataka talaga siya kung bakit parang walang pakielam ang babaeng 'yon sa kanya–kanila, gaya nung nerd na babaeng nakilala niya noon. Maliban pa do'n, parehas na parehas ang dalawang 'yon ng aura. Who the heck is that Med anyway?! Tsk. "Hey, Mad! Saan ka pupunta? Eto na yung room natin oh!"-sigaw sa kanya ni East. Napatingin siya sa likod niya kung saan nakaturo si East sa harap ng room nila. Damn it! Dahil sa sobrang pag-iisip sa babaeng 'yon hindi niya namalayang nalampasan niya na pala ang room nila. Lumakad siya pabalik at walang kibong pumasok sa room nila. "What's wrong, Mad? Wala ka yata sa sarili kanina pa?"-nagtatakang tanong ni Harmony sa kanya. "Tsk!" "Iniisip mo parin ba yung kahapon? *laugh*"-East. Inirapan niya lang ito at hindi sumagot sa tanong ng kaibigan. "Mad? Pwedeng sa ibang araw mo nalang gawin yung punishment na sinasabi mo sa kapatid ko?"-Harmony. Tinignan niya ito ng seryoso bago ngumisi. "And why?" "Birthday niya ngayon." Napakunot ang noo niya at napaisip.. They're twin, right? Why do they have a different birthday? "Madaling araw ng ipinanganak ang kambal ko, pero kambal parin kami." Napaawang nalang ang labi niya sa sinabi nito. Tsk. Fine. "HAPPY birthday Med?"-nakangiting bati sa kanya ni Mikaehla at ibinigay sa kanya yung regalo. Nginitian niya ang kaibigan habang tinatanggap yung regalo nito para sa kanya. "Thank you, Ella."-nakangiting sabi niya. First time niyang magkaroon ng kaibigan na tulad ni Mikaehla kaya sobrang saya niya. Kakatapos lang ng klase nila at wala namang masyadong nangyari bukod sa nakakarinig sila ng mga bulong-bulongan tungkol kahapon. Thank you so much, Ella. "*giggle* buksan mo na." Binuksan niya yung box na bigay ni Ella sa kanya. At napanganga siya sa nakita. "Since gustong-gusto mo ang music, gumawa ako ng music box.. At ang tugtog ay yung mismong kinanta mo kahapon sa canteen."-nakangiting paliwanag ng kaibigan. Naluluhang tinitigan niya ang music box, may isang babae na may hawak ng mic. At yung tugtog ay katunog ng kinanta niya kahapon kaso piano ang ginamit. "G-gawa mo 't-to?"-baling niya ulit sa kaibigan. Nakangiting tumango ito sa kanya. "Kailangan kasi kapag naging agent ka marunong kang gumawa ng ganyan. *laugh* basic lang naman 'yan."-mayabang na sabi nito. Basic?! Basic lang ang paggawa nito para sa kanya?! She's unbelievable!! "Seryoso ka talaga sa pangarap mong maging agent?"-tanong niya habang nagpupunas ng luha. Sunod-sunod naman itong tumango. "Oo naman!! Isa sa pangarap na gusto kong matupad ay ang pagiging agent, noh!" Isa sa pangarap niya? So meaning may-iba pa siyang pangarap?! "Madami akong pangarap na gustong-gusto kong matupad, isa na do'n ang pagiging veterinarian."-hindi parin maalis sa mukha nito ang ngiti. Ngiting nagustuhan niya sa kaibigan. "Pero ang totoong pangarap ko talaga ay ang, magkaroon ako ng maganda't masayang pamilya kasama ang lalaking mahal ko." Napatitig siya sa mukha ng kaibigan habang sinasabi ang salitang 'yon, paulit-ulit rin niyang naririnig huling sinabi niyo. 'magkaroon ako ng maganda't masayang pamilya kasama ang lalaking mahal ko.' 'magkaroon ako ng maganda't masayang pamilya kasama ang lalaking mahal ko.' 'maganda't masayang pamilya kasama ang lalaking mahal ko.' "A-ang corny mo!"-sigaw niya sa kaibigan na ikinatawa lang nito. "Hindi mo pa kasi nararanasan kung paano magmahal.*laugh*" Nang-asar pa! Inirapan niya nalang ito at hindi na pinansin, ng bigla ulit itong magsalita. "Dalawa lang ang dahilan kung bakit hindi mo pa nararanasan 'yan eh."-seryosong sabi ni Ella sa kanya. "It's either..."-tumingin ito sa kanya. "Natatakot kang magmahal o....... Natatakot kang masaktan."-dagdag pa nito na ikinatigil niya. 'It's either.... Natatakot kang magmahal o.... Natatakot kang masktan.' 'It's either.... Natatakot kang magmahal o.... Natatakot kang masktan.' 'It's either.... Natatakot kang magmahal o.... Natatakot lang masaktan.' Natatakot ba akong magmahal? O natatakot akong masaktan? Bakit parang ang gulo? "B-bakit naman ako matatakot magmahal?"-takang tanong niya. "Kapag nagmahal ka kasi— minsan yung iba natatakot na baka one sided love lang 'yon, natatakot silang magmahal sa maling tao, na baka masaktan lang sila sa huli—argh! Basta 'yon na yun."-napapakamot sa ulong sabi nito. Natawa nalang siya sa inakto ng kaibigan. "Eh yung sa natatakot masaktan?" "Asahan mo na kapag nagmahal ka ng isang tao, may akibat na sakit 'yon. Magmahal ka ng taong handang isugal ang buhay niya ma-protektahan ka lang, tulad ng ginagawa ko kay Ruso.... Handa akong isakripisyo ang buhay ko 'wag lang siyang mapahamak."-seryoso at totoong sabi nito. Tinitigan niya ang seryosong mukha ng kaibigan. So handa kang mamatay para sa taong mahal mo? Hindi mo ba naisip ang mararamdaman niya kapag nawala ka? Hindi ba makasarili ang tawag do'n? Napailing nalang siya sa naisip. Siguro nga gano'n talaga kapag nagmamahal. Lahat kaya mong gawin para sa kaya. GABI na at kasalukuyang tinatapos ni Melody ang mga homework niya, habang si Mikaehla ay mahimbing na natutulog. Napabuntong hininga siya at inisip kung anong mangyayari sa kanya bukas. Paparusahan pa kaya ako ng Mad-ster na 'yon? O nakalimutan niya na yung nangyari? Haay... I hope so. Napailing nalang siya at tinuloy ang ginagawa. 'Handa akong isakripisyo ang buhay ko 'wag lang siyang mapahamak.' Bigla nanamang pumasok sa isip niya yung huling sinabi ng kaibigan. Seryoso ito at parang handang-handang sumabak sa laban ng sinabi nito ang mga salitang 'yon sa kanya. Tsk. Forget about it Melody.... That's nothing to do with you anyway. *************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD