Chapter 1

1224 Words
Caryl's P.O.V *ANG KULIT ng giling giling, ANG KULIT ng giling giling ,Ang kulit, sarap ng feeling,Ang kulit, sarap ng feeling, Ang kulit ng giling giling-- Agad kong pinatay yung alarm ko.. Ewan ko ba pero naging favorite ringtone ko na yan na pang gising.. ang ingay kasi tsaka once na marinig ko yan magigising na ako.. Kahit tamad na tamad ako.. Bumangon na ako sa aking higaan.. Napahikab naman ako at nag inat inat.. “Hayy! Panibagong araw na naman!” Bumaba na ako at nakita kong nakapag pakulo na si mommy ng tubig para sa pangligo ko. Agad kong kinuha yun,isinalin sa timba at naligo na. Pagkatapos kong maligo at magbihis. Pumunta na ako sa hapag kainan para kumain. “Good Morning!” Masayang bati sakin ni mommy “Good Morning din mommy! Ano pong almusal natin?” tanong ko, Nagluluto kasi siya ng pang almusal namin. “As usual, Egg and Fried Rice! Kain ka na oh!” sabi niya sabay bigay sakin ng pagkain. “Thank you mommy! Kain ka na din po!” sabi ko “Sige mamaya pagkatapos nitong niluluto ko” sabi ni mommy at bumalik na sa kusina. Agad na kumain naman ako. Maya maya nang matapos na ako ay pumunta ko sa kwarto at humarap sa may salamin para mag ayos. Every Thursday kami pwedeng mag suot ng P.E Uniform kaya yun ang isinuot ko ngayon. Ang itsura nito ay yellow na t-shirt at dark blue na jogging pants. Napagdesisyunan ko na mag pony nalang at maglagay ng konting pulbos sa mukha. Matapos iyon ay kinuha ko na yung bag ko. “Tara na kuya!” aya ko sa kanya, tumango naman siya at kinuha ang susi ng kotse. Ako naman ay sumakay na sa kotse ni kuya. Maya maya ay sumakay na siya at nagsimula ng umandar ang kotse. “Hmm may nang aaway pa ba sayo sa school niyo?” 'galit sakin, marami! Di ko naman inaano tss' “Wala naman na kuya, bakit?” “Wala,natanong ko lang. Basta sabihin mo sakin pag may nang aaway sayo ha!” “Sige” Makaraan ang ilang minuto ay nakarating na kami sa school. Catmon Academy (CA) “Bye Kuya! Thank you sa paghatid!” “Wala yun! Basta mag aral kang mabuti ah?” “Yup! Sige pasok na ko! Ingat!” “Bye” sabi niya at umalis na. Pumasok na ako ng school. Dumeretso na ako sa room namin. "Hi Caryl!!!" Bati sakin ni Mhizzi at bumeso. "Hello!" Bati ko rin sa kanya. "Hiiii Caryl!" Bati sakin ni Keziah at yumakap sakin. "Hello!" Bati ko rin sa kanya. Nang may biglang lumapit sakin. "Caryl, Nagawa mo ba yung assignment natin?" tanong sakin ni Amanda. "Oo! Bakit?" Sabi ko "Pwedeng pakopya?" sabi ulit niya. “Oo naman. Eto oh!” sabi ko sabay abot ng notebook sa kanya "Thanks! Balik ko nalang mamaya!" sabi niya at tumango nalang ako. Nilapag ko yung bag ko sa upuan ko at naupo. "Hiiiii!" Bati ko kela Jet Anne at Grace. "Hello!" Bati din nila sakin at ngumiti. Agad na nagkwentuhan naman kaming magkakaibigan. "Diba ngayon yung laban ng school natin sa Marcelo High ng sports?" Tanong ni Grace. "Yup! I-inform nalang daw kami kung uuwi kami para kunin yung gamit namin" Sagot naman ni Jet Anne. Kasali kasi siya sports na badminton. "Talaga? Sana kasama kami!" sabat naman ni Mhizzi. "Oo nga! Para mapanood ko si Crush!" sabi naman ni Amanda. "Sana nga!" Sabi naman ni keziah. At nagkwentuhan pa kami ng marami. *** Third Person's P.O.V Masaya ang bawat mag aaral.. May naglalaro,nagkakantahan, nagdadaldalan.. At meron pang nag aayusan at nag iipitan! Feeling Parlor eh! Meron ding naghaharutan at naghahabulan.. Hindi nawawala iyan.. At syempre magpapahuli pa ba yung taong nagsasabi ng... "ANDYAAAAN NA SI MAAAM!" Na biglang magtatransform ang lahat at tatahimik.. Sabay sabing.. "JOKE LANG!" Hahaha! Puro kalokohan at kasiyahan sa kanilang Classroom.. Ngunit paano kung..... *** Caryl's P.O.V Naudlot ang aming pagkekwentuhan ng biglang dumating na ang aming guro.. "Good Morning Class!" "Good Morning Ma'am Parungao!" *** [After 3 hrs] Break time na namin. Palabas na kami nila Jet Anne at Grace nang tawagin kami nila mhizzi. "Caryl, Sabay na kami sa inyo papunta sa canteen" sabi nila mhizzi at keziah. Tumango lang kami at paalis na sana kami nang may biglang nagsalita. "Sus! Sige kayo nalang! lagi naman eh!" Sabi ni junnet na nakasimangot "Nako epal ka na naman junnet! tss" sabi ko at pabirong umirap sa kanya.. Di nalang niya ko pinansin at sumama nalang siya kay Camille.. "Sus! Nagtampo pa!" Natatawang sabi ni Mhizzi "Oo nga e! Tara na!" Sabi ni Keziah at inakbayan kami. Pumunta na kami sa Canteen at kumain na. Matapos naming kumain. Sakto naman at nag ring na ang bell. Ibig sabihin tapos na ang break time namin. Sabay-sabay kaming naglakad at nagkwentuhan. Hanggang sa makarating kami sa Classroom namin. 'Jusko naman! Parang binagyo na naman tong room namin napaka kalat na naman!' Wala ni isang naglinis ng room namin At isa na ko dun hahaha! Yung iba ay nasa labas pa.. Yung iba naman ay nagkekwentuhan pa. "Nandyan na si Ma'aaaam!" sigaw ng kaklase ko kaya agad silang nagsi-pasukan at umupo sa kanya kanya nilang upuan. May kumuha naman ng walis upang maglinis ng aming Classroom. 'Buti naman nakaramdam sila kaso pakitang tao naman. Tsk!' Nang dumating na ang aming guro. Agad na nagsi-tahimik ang lahat. "Good Morning!" Bati niya samin. "Good Morning po Ma'am" tumayo kami at binati namin ang guro. Matapos ay umupo na kami. "Nagmeeting kami kanina sa office at pumayag ang principal na pumunta tayo mamaya sa Marcelo High. kung saan lalaban ang school natin ng Basketball,Sepak Takraw,Volleyball at Badminton sa school nila. Kailangan natin sila icheer ha?Naiintindihan niyo ba?" Sabi ni Ma'am. "Opo" sabay sabay naming sagot. "Yung mga kasali sa laro ay maaari kayong umuwi ngayon upang makapag palit ng inyong damit at makapag handa ng mga gamit ninyo. At yung mga sasama naman para mag cheer ay magstay muna kayo dito sa room. Na inform ko na ang mga magulang niyo tungkol dito at nasa sainyo kung sasama kayo o hindi" Sabi ni Ma'am. "Yehey!!!" Sabi ng iba kong kaklase. "Oh sino sasama? Isulat niyo ang inyong mga pangalan sa papel na ito " Sabi ni Ma'am at nag abot ng papel. Umikot naman ito sa classroom at Nang matapos ay kinuha na ni m Ma'am ang papel. "May plus points itong mga sasama." Sabi ni Ma'am na labis naming ikinatuwa. "Yownnnn!!" Sigaw namin. "Eto yung mga magkakasama sa jeep. Papunta at pauwi.. Para sure at malalaman natin kung sino ang wala sa inyo ha! Caryl, Grace, Amanda, Trixia, Crischel, Nicole, Kelly, Vic, Pj ,Luke ,Yahzee ,Lorie,Charles,Arizon,Lerick,Kurt,Magno,Mhizzi,Keziah, Trisha,Junnet at Miles" Sabi ni Ma'am Dahil dun nagsimula na ang ingay sa room. "Yown! Magkakasama tayo!" "Bili tayo ng mga pagkain" "Oo! Tapos gala tayo!" "Ay! Nandun yung crush ko!" "Samahan mo ko mamaya! Papapicture ako kay Crush!" "OMG!!" "Excited na ko!!" "Gara nahiwalay tayo sa iba!" "Okay lng yan! Basta mamaya ah?" "Galingan natin mamaya pre!" "Oo! Talunin natin sila!" "Good Luck!" "Kasali si Crush! Sa Basketball! Omg!!" "Talaga? I cheer natin mamaya!" "Nako! Masaya to!!! Gala tayo mamaya?" masayang sabi ni Amanda "Sige" sabay naming sagot ni Grace.. Ano kayang mangyayari mamaya? Bakit parang kinakabahan ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD