Yahzee's P.O.V Nagulat ako nung tinapat niya sakin yung baril.. Kaya kinabahan ako.. "Walang hiya ka!! Demonyo ka!! Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan o kaya diretsyo ka na sa impyerno! Kung naghihiganti ka samin para sa anak mo.. Sisiguraduhin ko ding makakaganti kami sayo!! Mamatay ka na!" Sigaw ko "Aba! gusto mo bang sumunod sa kaibigan mo at sa mahal mo? Pwes! Susundin ko ang kagustuhan mo.. Hindi kita pipigilan... Ako mamamatay?? Pwes! Magkita kita nalang tayo sa impyerno!!! Bwahahaha!" Sabi niya sakin at unti unting lumalapit sakin Napapa atras nalang ako Kinasa na niya yung baril.. Hindi na ko makatayo, ang sakit ng balakang ko. Dahil sa pagkakatulak niya sakin kanina.. Ayoko na... Peste lang din naman ang buhay ko eh.... Okay nang mamatay na ko kesa mahirapan pa

