Caryl's P.O.V Habang nagbabyahe kami.. Masayang nagkakantahan ang mga kaklase ko.. Yung iba naman natutulog.. Yung iba nagkekwentuhan lang.. Wala na kasi yung mga cellphone namin eh.. Hindi na namin alam kung nasan na.. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na makakauwi na kami.. Grabe yung nangyari samin sa loob ng haunted school.. May mga storyang ang hirap paniwalaan.. Parang hindi makatotohanan.. Parang inimbento lang.. May mga storyang totoo pero mahirap paniwalaan kung totoo nga ba o hindi.. Tapos nakakatakot... Nakakita kami ng multo.. Sinapian.. Mga batang duguan at sunog.. Patay na muling nabuhay... Tulad nila Crischel at Nicole.. Ano na nga bang mangyayari samin!? Makakauwi pa ba kami ng ayos?! Halos masubsob kami sa harap ng biglang pinreno ni kuya Patrick yun

