Prologue

424 Words
"Lie-lie, wait!!" Sigaw ng isang batang lalaki. "You're so bagal Vin-vin!!" Sagot sa kanya ng babaeng sa tingin ko ay mas bata ng konti kumpara dun sa lalaki. "Cuz, I'm already tired na!!" Reklamo ulit nung batang si Vin-vin. "But, we're not done yet." Para bang nag mamalditang sabi ni Lie-lie. "For how long we're going to run??" "Hanggang sa Mini Market." "For real?" "Mmmm" "But, that's in the kabilang part pa ng road!!" "Yeah, I know." "T-tatawid pa tayo??" Tila kinakabahan nang sabi ni Vin-vin sa kaibigan. "Of course, Vin-vin." Balewalang sagot nito. "T-that's too dangerous, Lie-lie." Mas tumindi ang kabang nababakas sa mukha ng batang lalaki. "Don't worry, nandyan ka naman eh." Sabi ni Lie-lie na animong naintindihan ang nais iparating na kaba ng kausap. "O-oh? M-me?" Naguguluhan namang tanong ni Vin-vin. "Hmm, I know naman na di mo papayagan na may mangyari sa'tin ehh." At doon na mas natigilan si Vin-vin. Hindi ko alam kung bakit ko nakikita ang paguusap ng dalawang batang ito. Kahit na tumatakbo sila na para bang nagkakarera ay naaabutan at napapanood ko sila. Kaya ganun ganon nalang rin kung makita ko ang iba't ibang expression sa mukha nila. Kita ko ang kaba na nababakas sa mukha nung tinatawag na Vin-vin. At kita ko rin kung paano maging desidido ang tingin ni Lie-lie sa kalaro. Nakarating kami sa gate ng village kung saan sila tumatakbo kanina. Napansin kong malaki rin ito at kapansin pansin ang yaman ng mga taong nakatira dito. Gusto ko pa sanang pag aralan ang kabuuan ng village, ngunit napukaw nung dalawang batang ito ang atensyon ko. "Lie!!!!!" Sigaw ni Vin-vin na syang nagpalingon sa mga taong nandoon. Isang hindi ko inaasahang pangyayari ang naganap. Sa isang iglap ay nasa kalsada na ang dalawang bata at nakatitig sa isang truck na paparating. Napansin kong walang preno at tila wala sa sarili ang driver ng truck. Parang nag slow motion ang lahat kitang kita ko kung paano itinulak ni Lie-lie si Vin-vin paalis sa kalsada na syang naging dahilan ng pagkakabagok nito sa poste ng ilaw, at ang kusang pag preno ng truck para hindi nito mabangga si Lie-lie. Crrreeennnkkkkkkkkk (Tunog yan nung preno nung truck wag kang ano) Animong naging himala ang lahat ng nangyari. Nakita ko pa ang pagbabago sa ekspresyon ng mga nakakita - mula sa pagaalala, takot, at awa unti unti itong naging ginhawa. Nawalan ng malay si Lie-lie. Kasabay nito ay ang unti unting pagdilim ng aking paligid. Hanggang sa wala na akong ibang nakita kung hindi ang kadiliman. .....................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD