Chapter 7

2558 Words
LUISEE Habang naglalakad ay sumasabay ako sa musika na aking pinapakinggan mula sa aking cellphone. Nakalagay sa tainga ko ang earphone at pinapakinggan ko ang paborito kong kanta. Maganda ang araw ko ngayon dahil maaga ako nagising. Sa wakas hindi ko na kailangan magmadali pumasok. Nag-alarm ako sa aking cellphone at hindi rin ako nagpuyat kagabi dahil kapag ginawa ko iyon ay sigurado ako na mahihirapan ako gumising. Dahil maaga ako pumasok ay para lang akong naglalakad sa luneta. Nang pumasok ako sa entrance ay tumingin pa sa akin ang guard. Alanganin naman akong ngumiti rito. Dalangin ko na sana ay hindi ako nito sitahin. Ngunit dumaan na ako sa guard ay wala akong narinig na kung ano man mula rito. Napabuga ako ng hangin at nakahinga ako ng maluwag. Pero hindi dapat ako maging kampante. Kailangan ko pa rin hanapin ang ID ko. Bumalik ako paatras nang madaanan ko ang puting sasakyan. Lumapit ako sa sasakyan na naka-park. Pinakatitigan ko pa ito dahil parang ito rin ang sasakyan na muntik nang sumagasa sa akin n'ong unang araw ko rito sa campus. Inilibot ko ang tingin sa aking paligid. Hindi lang naman iisa ang kulay puting sasakyan na nakikita ko. May mga ilan din na sasakyan ang dumadaan ngunit kakaiba ang kotse na nasa harap ko. Sa aking palagay ay milyon ang halaga ng sasakyan na ito. Sinipat ko ang sarili sa salamin ng sasakyan. Sumimangot ako ng makita ko ang aking sarili. Lumipat ako ng tingin sa side-mirror ng kotse. Ang putla ng labi ko. Kinuha ko ang lipgloss sa bulsa ng bag at naglagay ako ng bahagya sa aking labi para hindi ako magmukhang maputla at para na rin magkaroon ng buhay ang aking mukha. Sinipat ko ang relo sa aking palapulsuhan. Twenty five minutes pa bago magsimula ang klase. Nasobrahan yata sa aga ang pasok ko. Nilagay ko na sa bag ang lipgloss na hawak ko. Dahil nakayuko ako pagpihit ko paharap ay bumangga na naman ako sa matigas na bagay. "Aray naman!" daing ko. Sumakit na naman ang ilong ko. Bahagya akong napaatras at lumapat ang aking likod sa sasakyan. Hinawakan ko ang aking ilong na matutuluyan na yatang pumantay. Sinulyapan ko ang nabangga ko ngunit nanlaki ang aking mata ng maiwan sa damit nito ang nilagay ko sa aking labi. Puti pa naman ang suotnitong damit. Mabilis akong kumuha ng tissue mula sa aking bag. "Sorry, sorry. Hindi ko sinasadya," paulit-ulit kong hingi ng paumanhin habang pinupunasan ang damit nito na namantsahan. Nakagat ko ang ibabang labi dahil kumalat pa iyon sa ginawa ko. Sana hindi ito magalit. Muli akong kumuha ng tissue sa bag. "Stop it," maawtoridad nitong wika na ikinatigil ko sa pagkuha ng tissue. Natigilan ako. Pamilyar sa akin ang boses nito. Ngunit wala akong lakas ng loob na sulyapan ito dahil bigla akong tinakasan ng hininga. I smell again his manly scent. Ito kaya ulit 'yong lalaking nakabangga ko nung isang araw? Pasimple kong sinulyapan ang aking relo. Ten minutes na lang. Sadyang napakabilis ng oras. Paano ako aalis ng hindi nito isipin na bastos ako? Napansin ko gumalaw ang kanang kamay nito. Bago pa nito ako mahawakan ay mabilis kong tinawid ang maliit na espasyo sa pagitan naming dalawa. "Sorry talaga kuya," muli kong hingi ng paumanhin. "Pasensya na, ma-le-late na kasi ako. Kapag nagkita tayong muli ibigay mo na lang sa akin ang damit mo. Ako na bahala maglaba," sabi ko ng hindi ito tinatapunan ng tingin. Pagkatapos ko iyon sabihin ay mabilis ko na itong tinalikuran. Kahit pala gaano kaaga ako pumasok ay hindi maiwasan na magkaroon ng aberya. Mabilis kong tinungo ang building ng Department of Education. Nang marating ko ang classroom ay agad akong naupo sa aking upuan. Dumating na rin ang unang professor namin sa subject. Wala naman masyado ni-lecture. It's all about history of the University at sino mga founder niyon. History kasi ang una kong minor subject. "Miss Strella, right?" baling sa akin ni Professor Aguinaldo. Mabuti naman at naalala nito ang apelyido ko. Dapat lang dahil lagi akong attentive sa klase nito. "Yes sir," nakangiti kong sagot sa kan'ya. "Where is your ID?" tanong nito. Lagot na, napansin na ni prof na wala akong suot na ID. "Pasensya na po, sir. Nakalimutan ko po," pagdadahilan ko. "Dapat makita ko na bukas na suot mo ang ID mo, Miss Strella." Sabi nito. "Opo," sagot ko kahit wala akong kasiguraduhan na makikita ko pa nga iyon. Pagkalabas ng aming professor ay pumunta muna ako sa comfort room dahil wala pa naman ang susunod naming prof. Mapapagalitan ako ng nanay ko kapag nalaman nitong naiwala ko ang ID ko. Sasabihin niya na napakaburara kong babae. May penalty pa naman kapag nawala iyon. Pagkatapos ko mag-banyo ay bumalik na ako ng classroom dahil may susunod pa akong klase. Sinisipat ko ang aking sarili habang pumapasok ng classroom. Umupo ako sa aking upuan. Napansin ko na tahimik ang lahat. Hindi tulad ng una na kapag hindi pa nagsisimula ang klase at wala pang prof ay makukulit at maingay ang mga classmates ko. Ipinagwalang-bahala ko na lamang ang katahimikan ng mga ito. Muling nanuot sa aking ilong ang mabangong amoy. Parang naamoy ko na iyon kung saan ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin. Magbabasa na lang muna ako habang wala pa ang professor namin. Kinukuha ko mula sa aking bag ang libro na aking babasahin ng naramdaman ko na may kumalabit sa aking balikat mula sa likuran. Pumihit ako paharap para makita ang kumalabit sa akin. Base sa ngiti ng kaharap ko ay kinikilig ito. Bakit? Pareho naman kaming babae para kiligin ito sa akin. Sa isiping iyon ay tumaas ang balahibo ko. "May naghahanap sayo," sabi nito. Nagsalubong ang kilay ko. Naghahanap sa akin? Wala pa naman akong kakilala rito. "Sa akin? Sino?" nagtataka kong tanong at tinuro ko pa ang sarili. Tumango ang kausap ko. Ngumuso ito sa harapan. Pumihit naman ako para tingnan kung sino iyon. Hindi ako nakagalaw ng makita ko ang nasa aking harapan. Ito 'yong isa sa apat na lalaki sa library. Anong ginagawa nito dito? "So, you are Luisee Strella?" sabi nito dahilan para magsalubong ang kilay ko. Sino ba ito? Hindi ko ito kilala para makilala ako nito. Lumapit ito sa harap ko. Inilahad nito ang kamay sa akin. Napakagwapo nito lalo na sa malapitan. "I'm Syke Perkins," pakilala nito sa sarili. Hindi lang pang-banyaga ang pisikal na itsura nito. Pati apelyido nito ay halatang anak nga ito ng isang banyaga. Inabot ko naman ang kamay nito. Dinig ko ang pagsinghap ng mga kaklase ko lalo na ng mga kababaihan. Ano bang mayroon sa kaharap ko? "Come with me," sabi nito nang bitawan ang kamay ko at nagsimula nang maglakad palabas ng classroom. Lalo naman ako nagtaka. "Bakit?" salubong ang kilay na tanong ko. Huminto ito at humarap muli sa akin. "Because you have something missing and we have it," sabi nito at muling naglakad. Pumasok sa isip ko ang ID na nawawala. Dinampot ko ang aking bag at mabilis ko siyang sinundan. "Sandali, may next subject pa ako," maagap kong wika. Nakasunod pa rin ako sa kan'ya. Sa haba ng biyas nito ay mahirap habulin ito sa paglalakad. Nagtilian naman ang mga nadadaanan namin. Artista ba ang lalaking ito para magtilian ang mga kababaihan dito sa campus namin? Biglang sumagi sa isip ko ang eksena noong unang araw ko rito university. Hindi kaya sila ang apat na kinakikiligan ng mga kababaihan? "Don't you worry, It was settled," sabi nito ng hindi ako sinulyapan at patuloy pa rin sa paglalakad. Hindi nag-sink in agad sa utak ko ang sinabi nito. Nakasunod lang ako sa kan'ya. Tinungo namin ang building kong saan katabi lang ng building ng Department of Education. "Saan tayo pupunta?" tanong ko. Ngunit wala akong nakuhang sagot mula rito. Isang pasilyo ang dinaanan namin. Wala naman estudyante ang nasa labas. Marahil hinihintay ang susunod pang klase. Dumiretso kami sa isang silid sa bandang dulo ng pasilyo. Maliit lang iyon pero maaliwalas sa loob at hindi masikip tingnan. May apat na upuan doon at isang mahabang mesa. "Wait here," sabi nito at akmang lalabas ngunit pinigilan ko ito. "Ikaw ba nakakuha ng ID ko? Pwede bang ibigay mo na lang sa akin? Kailangan ko pa pumasok," seryoso kong wika. "Hindi ako ang nakakuha ng ID mo, ang kaibigan ko," tugon nito. "Nasaan siya? Bakit kailangan pa ako pqpuntahin dito?" may bakas na ng iritasyon sa boses ko. Ngunit nawala ang pagkainis ko ng ngumiti ito. Ang gwapo kasi nito. "Just wait here. Papunta na siya," "Sino ba?" "Haru. Haru Stevan," "Hindi ba pwedeng ibigay n'ya na lang sa akin ang ID ko? Bakit pa kailangan dalhin mo pa ako rito?" tanong kong muli sa kan'ya. Nagsalubong ang kilay nito sa tanong kong iyon. "You don't know us, right?" tanong nito. "Kung kilala ko kayo, eh di sana hindi na ako nagtanong," sagot ko na may halong pagtataray. Tumawa naman ito ng mahina at nagkamot sa ulo. "Impossible, even freshmen's ay kilala kami," tila hindi ito makapaniwala na hindi ko ito kilala. "Anyway, Haru wants to talk to you." Pagkasabi nito niyon ay tumalikod itong muli sa akin. "Teka! Bakit niya ako gustong kausapin?" pigil kong muli sa kan'ya. "God dammit." Mahina iyon ngunit may diin. Tila nawalan na ito ng pasensya sa akin dahil sa kakatanong ko. "Will you please wait for him, okay? Siya na lang ang kausapin mo." Tuluyan na itong lumabas ng silid. Naiwan akong tulala. Pasalampak akong naupo sa bakanting upuan. Nakakainis lang dahil wala pa akong isang buwan nag-skip na ako sa klase. Nakapangalumbaba ako habang nakaupo. Hihintayin ko pa ba siya? Hindi kaya niloloko lang ako ng lalaking iyon? Ang sabi rin ng iba ay hindi maiiwasan na may ma-bully sa school lalo na mga freshman. Sa naisip ay agad akong tumayo. Pero bakit ako ang napili nilang i-bully? Hindi kaya mga probinsyana ang pinupuntirya nila? "Bakit ba ako nandito?" tanong ko sa sarili at bumuga ng hangin. Kukulitin ko ang lalaking iyon. Dapat makuha ko na ang ID ko dahil baka mapagalitan na ako ng prof ko. Pumihit ako paharap ngunit bumangga na naman ako. Sumakit ang ilong ko. Pambihira, ilong ko palagi ang nadadali. Napaatras ako ngunit bumangga ako sa edge ng mesa at nawala ako sa balanse. May maagap naman na kamay ang humawak sa akin. Nahawakan ako nito sa aking isang braso habang ang isang kamay nito ay sa aking likuran. Nag-angat ako ng mukha. Nang gawin ko iyon ay parang tumigil sandali ang t***k ng aking puso ngunit kalauna'y nagsimulang bumilis ang t***k niyon. Para akong nakakita ng isang turkish male actor sa katauhan nito. Mas gwapo ito sa malapitan. Kung paano ito tumingin sa akin nung nasa library kami ay ganoon din ngayon. Napakaganda ng bughaw nitong mata. Matangos ang ilong nito na masarap pisilin at panggigilan. Ang manipis nitong labi na mariing nakalapat na tila hindi yata marunong gumuhit ang isang ngiti. "Carefull," sambit nito. Nakakapanghina ang boses nito. Malalim at maawtoridad. Natauhan naman ako at inalis ang kamay nito sa aking braso. Lumayo ako ng bahagya sa kan'ya at nag-iwas ng tingin. Sa pangalawang pagkakataon na muli kaming nagkita ay hindi ko magawang salubungin ang mga mata nito. Nakakatunaw at nakakapaso. "Kaibigan mo ba iyong lalaking nagdala sa akin dito? Ano nga ba pangalan niya?" sabi ko at nag-isip. Kahit may ideya na ako na kaibigan nito ang lalaki kanina ay nagtanong pa rin ako. Dahilan ko lang iyon para makaiwas sa mapanuri nitong tingin. Pilit kong inaalala kung ano ang pangalan ng gwapo rin na lalaki. "It's Syke," maagap nitong sagot. "Oo, s'ya nga. Ang sabi n'ya hintayin ko raw dito si Haru Stevan. Kilala mo rin ba s'ya? Pambihira, hindi na lang ibigay ang ID ko. Kailangan pa talagang papuntahin ako rito. Hindi ko ugali ang mag-skip sa klase tapos dahil lang sa ID hindi ako pumasok. Pagagalitan ako ng nanay ko. Pakisabi na lang kay Haru na kukunin ko sa kan'ya mamaya ang ID ko. Sa labas ng entrance, salamat." Mahaba kong litanya. Pagkatapos kong sabihin iyon tinalikuran ko na ito. Kahit gwapo pa ito ay mas importante pa rin ang pag-aaral ko. "I'm Haru Stevan," natigilan ako sa pagpihit sana ng seradora dahil sa sinabi nito. Mariin akong pumikit at napakagat ako sa aking ibabang labi. Ang dami kong sinabi, tapos siya pala si Haru Stevan? Pumihit ako paharap sa kan'ya. "Ikaw si Haru?" hindi ko makapaniwalang tanong. Tumango ito at tinungo ang kabilang mesa. Umupo ito sa bakanteng upuan paharap sa akin. "Please, sit down." Maawtoridad nitong utos. Ngunit nanatili lamang akong nakatayo at tinitigan ang gwapo nitong mukha. Parang may kung ano'ng karisma ito na kahit sinong babae ay hindi maiwasan ang titigan ito ng matagal. Ipinilig ko ang ulo. Ano ba itong iniisip ko? Ang weird. "Pakibalik na lang ang ID ko, salamat." Anas ko. ID ko lang ang kailangan ko. Wala na ako balak makipagkwentohan o kung ano pa man. "Sit down first. I have something to discuss with you," utos nitong muli. Tumaas ang kilay ko. Makapag-utos akala mo'y pag-aari ako. Ngayon palang naman kami nagkita. Kung ang iba ay napapasunod nito, hindi ako. "Paano kung ayoko?" panghahamon ko rito. Tinitigan lang ako nito. Wala akong mabasang emosyon sa mukha nito. Blangko iyon. May kinuha itong papel sa bulsa nito at binuklat iyon. "Luisee Strella, sixteen years old turning seventeen this coming month. Taking Bachelor of Secondary Education major in Filipino. One of the Scholar of Mister Ernest Quisedas," sambit nito. Habang sinasabi nito iyon ay nakatingin ito sa akin na walang kakurap-kurap. Para akong matutunaw sa paraan ng titig nito. Hindi rin ako nakagalaw sa mga sinabi nito. Alam nito ang background ko. May hawak itong papel. Doon ba nakasulat ang impormasyon tungkol sa akin? Pero bakit sa akin ito nakatingin kung nasa hawak nitong papel nakasulat ang impormasyon ko? Saan naman nito iyon nakuha? Nakita ko rin na hawak na nito ang ID ko. Napangiti ako. Nakahinga ako ng maluwag. "Pwede ko na ba makuha ang ID ko?" nakangiti kong turan sa kan'ya. Nagsalubong ang kilay nito. Masyado itong seryoso. Parang ang hirap nitong lapitan at mahirap bagayan. Mahirap din ito pangitiin. "Who told you na pwede mo na makuha ang ID mo?" tanong naman nito. Hindi ko pinansin ang sinabi nito. Lalo akong napangiti. Nagtatagalog din pala ito tulad ng kausap ko kanina. "Kaya mo ako tinawag hindi ba para ibigay mo na ang ID ko?" nakangiti kong turan at bahagyang lumapit sa mesa. Tinukod ko ang aking isang kamay at akma ko sanang kukunin sa kan'ya ang hawak na ID ngunit iniwas naman nito iyon. "Please, kailangan ko na makabalik sa klase. Wala pa ang isang buwan pero nag-skip na ako. Mapapagalitan ako ng nanay ko," pakiusap ko sa kan'ya. "Kung ayaw mo magtagal tayo. Maupo ka," maawtoridad nitong utos. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod na lamang. "Ano ba sasabihin mo?" naiinis kong tanong. "I have a favor for you and I don't take 'NO' for an answer," sabi nito na kinaawang ng aking labi. Wala pa akong sagot pero dapat 'OO' na ang magiging sagot ko. Kakaiba humingi ng pabor ang lalaking ito. Kahit pala tumanggi ako ay hindi nito tatanggapin. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. "Ano 'yon?" "Just pretend to be my girlfriend,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD