Chapter 2

2902 Words
LUISEE Sabado ng umaga abala ang lahat sa darating na fiesta. Maging ang ama ko ay hindi na magkandaugaga kung ano ang uunahin. Isa ang ama ko sa naatasan na maghanda sa mansyon ng mga Quisedas. May gaganapin kasing salu-salo sa mansyon ng mga ito sa linggo ng gabi. Ang aking ama ang magluluto ng ihahanda nila. Gusto sana tumanggi ng tatay ko pero nahiya na ito dahil si Earl na ang nakiusap. Tiwala naman ang Quisedas sa taglay na galing ng aking ama sa pagluluto dahil minsan na nila nasubukan iyon. "Anak, sigurado ka hindi ka sasama sa mansion?" tanong ni Tatay sa akin ng pasakay na ito sa pick-up na sumundo sa kanya. Umiling ako. "Baka hanapin ka ni Earl."dugtong nito. "Hindi na, Tay. Magkikita naman kami bukas."nakangiti kong sagot sa ama. "O sya sige. Ikaw na muna bahala sa kapatid mo."sumakay na ito ng pick-up. "Sige po,Tay. Ingat po." pag alis ng ama ko ay pumasok na ako sa bahay. Sinilip ko ang kapatid ko sa Sala. Tahimik lang itong naglalaro. Napangiti ako, kapag nakikita ko ang mukha ng kapatid ko ay parang nakikita ko na din si nanay lalo na ang mapungay nitong mata. Bigla ako binalot ng lungkot ng maalala ko ang namayapang ina. Ngunit higit pa ang lungkot na naramdaman ng ama ko sa pagkawala ng aking ina. Minsan gusto ko sisihin ang kapatid sa pagkawala nanay pero napaisip ako. Ano naman ang alam ng isang paslit sa pagkamatay ng aking ina. Hindi naman niya ginusto iyon, gusto lang naman niyang makita ang mundong ito. "Lance,'wag magsusubo ng kung anu-ano ha. Dirty 'yan," paalala ko sa kapatid. He was 3 years old at matalinong bata. "Opo ate," sagot nito na nakatuon pa din ang atensyon sa paglalaro. Naupo ako sa rocking chair na ginawa ni Tatay. Iyon din ang paboritong upuan ni nanay ng buntis pa siya sa aking kapatid. Kinuha ko ang nakapatong na cellphone sa lamesa. Titingnan ko kung may text si Earl. Pero wala akong nakita, bagkus 12 missed calls ang nabungaran ko. Kay George galing iyon, kaibigan ko 'nung nagaaral pa ako sa unibersidad na una kong pinasukan. Malaki din ang utang na loob ko sa kan'ya. "Ate nagugutom ako," ungot sa akin ni Lance. Nakakapit ito sa manggas ng damit ko. Nginitian ko siya. Inilapag ko ang hawak na cellphone sa aking kandungan. Hinawakan ko ang mukha niya. "Anong gusto ng pogi kong kapatid?" lambing ko sa kanya habang pisil ang pisngi. Hindi ito mataba hindi rin payat. Sakto lang ang katawan nito para panggigilan. Matambok din ang pisngi nito kaya paborito ko iyon pisilin. "Kung ano po ang meron Ate," sagot nito. Lalo akong napangiti, mabuti na lang at hindi demanding ang kapatid ko. Kung hindi baka matulad sila sa kapitbahay namin na hindi na alam ang gagawin kapag hindi na naibigay ang gusto ng anak. "Ok baby. Your wish is my command," nakangiting sabi ko. "'Di na ako baby ate. Big Boy na ako," natawa ako sa sinabi nito. Matured din ito mag-isip. "O sige, wait mo si Ate dito ha? Magtitimpla ako ng gatas mo at paborito mo na tinapay, ok na ba 'yun, kuya?" biro ko. "Yehey! 'ge po Ate. Wait kita," muli itong naupo at muling itinuon ang atensyon sa laruan. Hinawakan ko ang cellphone at tumayo ako mula sa pagkakaupo sa rocking chair ng tumunog ang cellphone na hawak ko. Nang tingnan ko kung sino tumatawag, Si George ulit. Importante ba sasabihin niya at nakakailang tawag na siya? Sinagot ko ang tawag niya habang papasok ako ng kusina. "George, napatawag ka?" tanong ko agad sa kan'ya. Dinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya." May problema ba?" tanong ko. Bigla akong nag-alala sa kaibigan. "H-ha? w-wala ano ka ba," kandautal na sabi nito. Tumaas ang isang kilay ko. "'Yung totoo, Georgette?" base sa boses nito ay may dapat akong malaman. Tumawa ito, Kalauna'y tumigil din. Inipit ko sa pagitan ng tenga at ng balikat ko ang cellphone. Maglalagay kasi ako ng gatas sa baso. "Buntis ako, Lui." nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Tumigil ako sa ginagawa at hinawakan na muli ang cellphone. "Oh no. Sino ang ama?" bigla ako nakaramdam ng pagkabahala sa kaibigan. Kilala ko ito, impossible iyon. Mas brusko pa nga ito sa mga nakilala kong lalaki. Tumawa ulit ito. "Joke lang, imposible na mangyari 'yun no,." bawi nito sa sinabi. Nakahinga naman ako ng maluwag. "Para kang sira. Pinag-alala mo ako, bakit ka nga napatawag?" tanong ko. "Ikaw ang dapat mag-alala," natigilan ako sa sinabi nito. Bakit? "Sige, Lui kinakamusta lang talaga kita," sabi nito ng hindi man lang sinagot ang tanong niya. "Teka, ni hindi mo nga ako kinamusta." reklamo ko. "Hindi ba? O di kumusta. Bye,"pinutol na nito ang tawag. Napapailing na lang ako. Wala pa din pinagbago. Si George ang una kong naging kaibigan sa unibersidad na pinasukan sampung taon ang nakalipas. Naging utang ko sa kanya ang buhay ko. "Ate,milk ko!" tawag sa akin ni Lance. Nagmamadali kong tinapos ang pagtitimpla ng gatas ni Lance. "Nandyan na po,kuya," kumuha na din ako ng tinapay bago lumabas ako ng kusina. Nilagay ko sa lamesa ang dalang tasa at platito na may lamang tinapay. "Lance halika dito," kinuha ko ang maliit nitong upuan na ginawa din ni itay. Lahat na yata ng nasa loob ng bahay namin ay ginawa ng ama. Hindi lang ito magaling magluto. Magaling din mag kumpuni na maaaring mapakinabangan. Lumapit naman ang kapatid at naupo sa upuan nito. Tumingin ito sa kanya. "Why,kuya?" tanong ko sa kanya. "Wash po muna ako ng hands," sabi nito. Napangiti ako. Binuhat ko siya at dinala sa kusina. May kaartehan din ang kapatid ko, Hindi ko alam kung kanino niya iyon namana. Masyado itong maselan. May kilala akong tulad niya. Natigilan ako saka Ipinilig ko ang ulo. Minsan nagtataka din ako sa itsura ng kapatid. Hindi ko masasabing hindi ko siya kapatid dahil nasa tabi ako ni Nanay ng lumabas si Lance. Masyado kasi malayo ang itsura nito sa amin. Napakaputi nito. Hindi tulad ko na sakto lang ang kulay ng balat. Ang sabi ni itay pinaglihi daw si Lance sa buko kaya maputi. Pero walang maibigay na sagot sa akin si Tatay ng itanong ko kung saan naman pinaglihi ang mata ni Lance. Bughaw kasi iyon. Sa madaling salita parang anak ito ng isang banyaga. Kibit-balikat lang ang tanging naisagot sa akin ni Tatay. "Ma'am Lui," tawag sa akin ng pamilyar na boses. Tapos na din maghugas ng kamay si Lance. "Ang bigat mo." reklamo ko sa kapatid. Humagikgik lang ang ito. Paglabas ko ng kusina ay nabungaran ko si Randy. Driver ito ng pamilya Quisedas. Tumingin ako sa likod nito pero hindi ko nakita si Earl. "Ma'am Lui,pinabibigay po ni Sir," inabot nito sa akin ang bitbit na box. Binaba ko muna si Lance para kunin iyon. "Busy po si Sir kaya iniutos na lang po niya." paliwanag nito. "Ako din po ang susundo sa inyo bukas ng gabi. Doon na din po pinapatulog ang ama ninyo magdadala po sana ako ng damit niya." magalang nitong wika. "Sige kukuha ako." tinungo ko ang kwarto ni Tatay. Kumuha ako ng mga damit na pamalit niya. Lumabas agad ako ng kwarto pagkatapos. Ibinigay ko ang paper bag na may laman na damit ni Tatay. "Paano 'yung isusuot ni Tatay sa salu-salo?" tanong ko. Wala pa kasi na isusuot ang ama niya. "Huwag na po ninyo problemahin iyon. Si Sir Earl na po bahala." nakangiti nitong turan. "Sige po magpapaalam na po ako. Ready na lang po kayo bukas ma'am. Alas syete ko po kayo susunduin," paalam nito. Tumango lang ako. Binalingan nito ang kapatid ko na busy kumain ng tinapay. "Pogi, aalis na ako," tumango lang ang kapatid ko at hindi man lang tinapunan ng tingin si Randy. Alanganin naman akong ngumiti sa kanya. Minsan may pagkasuplado din kasi ang kapatid ko, tulad ng kilala ko noon. Humugot ako ng malalim na hininga saka ipinilig ko ang ulo. Masyadong matagal na panahon na pero palagi ko pa rin siyang naaalala. Mabilis na lumipas ang araw at hindi na din nakauwi si tatay. Linggo na ng gabi at kasalukuyan akong nakatayo sa aking kwarto. Pinasadahan ko ang sarili sa malaking salamin. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Hindi ko pa naranasan magsuot ng ganito kagandang damit. Mabuti nalang at kasya sa akin. Ito 'yung binigay sa akin ni Randy kahapon. Nagulat na lang din ako ng may dumating sa bahay na mag-aayos sa akin. Ipinadala daw sila ni Earl, wala na akong nagawa kundi ang pag-experimentuhan nila ang mukha ko. Ngunit nagulat ako sa kinalabasan. Ibang-iba sa simpleng mukha na madalas ko na ipakita sa iba. Hindi naman ganun ka kapal ang makeup ko. Simple lamang iyon para sa simple kong mukha. Lumabas ang tinatago kong ganda. Naka-brade ang mahaba kong buhok at bahagyang nilagyan ng palamuti sa bandang gilid ng aking ulo. May mumunting takas din akong buhok sa magkabilang gilid ng aking mukha at tenga. Ang suot ko na kulay white dress ay above the knee cut ang haba. Sumusunod ito sa bawat paggalaw ko. Long sleeve iyon kaya tago ang aking buong braso maliban sa aking balikat na nakalabas dahil off shoulder iyon. Binagayan pa ng silver stiletto sandals kaya kumikinang iyon lalo na sa dilim. Tanging silver necklace lang ang aking palamuti sa katawan. The first gift I've received from him. Iningatan ko talaga ang necklace na ito. Dahil tanging ang kwintas na lang ang nagpapaalala sa akin sa kan'ya. Umikot ako, para akong prinsesa sa mga fairytale na napapanood ko noong bata pa ako. "Ang ganda mo bakla," sabi ng nag-ayos sa akin. "Panigurado ako na ikaw ang pinakamaganda sa party. Pinagpipyestahan ng mga mata ang ganda mo. Dapat bakuran ka ng jowa mo," natawa ako sa sinabi nito. "Ate, ikaw 'yan?" napalingon ako sa pintuan. Nakita ko si Lance na salubong ang kilay nito. Natawa ako sa reaksyon nito ng lumapit ako sa kanya. Yumukod ako para magpantay kami. "Opo. Si ate po ito," dabi ko habang pisil ko ang pisngi niya. Ngumuso ito. "Pagkatapos ng party ate, tanggalin mo na ha,"sabi nito sa akin. Nagtawanan ang mga kasama ko sa kwarto. "Yes po kuya," inayos ko ang kilay niya at pinaghiwalay ko iyon mula sa pagkakasalubong. Nasa likod nito si ate Isabel, sa kanya namin pinagkakatiwala si Lance kapag pumapasok ako sa trabaho at si tatay naman ay kapag may nag papatawag na magpapakumpuni ng gamit. "Hayaan mo na ate mo Lance. Minsan lang mag-ayos ang ate mo. Wag ka na manermon ha," sabi nito sa kapatid ko. "Behave ka kay ate Isabel ha. Uuwi din si ate agad kapag tapos na ang party. Matulog ng maaga, ok," bilin ko sa kapatid. Tumango lamang ito. Nasa labas na din si Randy at naghihintay. Nagpaalam na ako kay Lance at umalis na din ang dalawa na nagayos sa akin. Habang nasa sasakyan ay panay ang sulyap sa akin ni Randy mula sa rear-view mirror. Nasa passenger seat ako nakaupo kaya kita ko iyon. Umiiwas naman ako ng tingin. Naaasiwa ako sa tingin na pinupukol niya sa akin. "Pasensya na po ma'am hindi ko mapigilan tumingin sa inyo. Ang ganda n'yo po kasi," sabi nito. Nginitian ko lamang siya. Pagdating sa labas ng gate ng mansyon ng mga Quisedas ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Nakita ko na din na nakaabang sa labas si Earl. Napangiti ako ng makita siya, napakagwapo nito sa suot na white v-neck shirt na pinatungan ng brown blazer. Faded maong pants lang ito pero hindi nakakabawas sa taglay nitong kagwapuhan. Tinernuhan iyon ng branded na puting sneakers. Lumawak ang pagkakangiti nito ng bumaba na ako ng sasakyan. Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. Sa ginawa niyang 'yon ay nahagip ng mata ko si Randy. Kung tama ang nakita ko kakaiba ang titig nito. May ngisi din sa labi nito. "You are so beautiful Lui," puri sa akin ni Earl. Umikot ang mata ko. "Hahayaan kitang biruin ako ngayon," nakangiti kong turan sa kan'ya. "Kailan pa naging biro ang totoo?" sabay kami nag tawanan. "So, let's go inside. My parents want to see my future wife," yaya nito. Nilagay niya ang kamay ko sa braso niya at sabay kaming pumasok sa loob. Habang naglalakad pakiramdam ko may mata pa din nakatitig sa akin. Pipilitin kong si Earl na lang ang maghatid sa akin kapag tapos na ang party. Hindi ako komportable sa presensya ni Randy. Pagpasok namin sa loob ng mansyon ay may mga tao na doon. Maaga pa naman para magsimula ang selebrasyon. Hinanap ko si tatay pero hindi ko siya makita. Dinala ako ni Earl sa hardin, mas marami na tao doon. Medyo hindi ako sanay sa ganitong okasyon pero kailangan kong gawin dahil kilala sa lugar ang pamilya ng fiance ko kaya hindi na ako magtataka kong lahat ng nadadaanan namin ay napapatingin sa amin. Ang pamilya ni Earl ang pinakamayaman sa Isla. Pagmamay-ari din ng pamilya niya ang hotel na pinapasukan ko. Ipinakilala niya ako sa mga bumabati sa amin, mayroon naman na iba makatingin. Pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa pero dahil kasama ko si Earl ay hindi ko na lang sila pinapansin. "Are you hungry?" baling sa akin ni Earl. Umiling ako. "Si tatay?" bagkus ay tanong ko. "Nagbibihis na. Hindi pwedeng wala si tatay sa selebrasyon na ito. This is our night." nakangiting turan niya sa akin. Isa sa nagustuhan ko sa ugali ni Earl napakabait nitong tao. Nginitian ko siya. Nasa proseso pa ako kung paano ito mamahalin. Magagawa ko din iyon sa tamang panahon. "Gusto mo ba maupo muna?" tanong nito sa akina. "Kung iiwan mo lang din naman ako hindi na. Dito na lang ako sa tabi mo," tumawa ito. "Nasaan ang mga parents mo?" tanong ko. Luminga-linga ako, may nahagip akong isang pamilyar na bulto pero nawala din iyon ng balikan ko ng tingin. Marahil isa sa mga kaibigan ni Earl. "Nandyan lang mga 'yon. Alam mo naman marami nakaka--." tumigil ito sa pagsasalita. Tiningnan ko siya, bakas sa mukha nito ang pagkagulat. "What is he f*****g doing here?" bulalas nito. Nagsalubong ang kilay ko at sinundan ko ang tingin niya. Sa mga magulang nito siya nakatingin. Sino tinutukoy nito? Nang biglang tumigil ang paghinga ko ng makita ko kung sino ang kasunod ng magulang nito. Para akong tinakasan ng paghinga. Totoo ba ang nakikita ko? Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Ngayon na lang ulit. No! Namalayan ko na lang ang sarili na napahawak ako sa kamay ni Earl. In my peripheral vision tila nagulat ito sa ginawa ko pero wala na akong pakialam doon. Bigla kasi akong nanghina, parang konting sanggi lang sa akin ay bibigay na ang tuhod ko. Gusto ko lang kumuha ng lakas sa katabi. Habang papalapit siya kasama ang mga magulang ni Earl ay pabilis ng pabilis ang t***k ng puso ko. Konti na lang iiwanan na ako ng puso kong naghuhuramentado sa sobrang kaba. Wala siyang pinagbago. Ang tanging nagbago lang dito ay ang katawan nito. Lumapad ang balikat nito. Halatang alaga din ito sa gym dahil kahit nakasuot ito ng kulay puti na t-shirt na pinatungan ng kulay abuhin na coat ay nakatago doon ang pinagpalang muscle. Lalo itong gumwapo. Para itong Modelo sa suot nito na faded denim-pants ankle cut ang haba at tinernuhan din ng kulay gray Top Sider na sapatos. Hindi na din ako magtataka kung lahat ng babae na dadaanan nito ay napapalingon. He is a demi-God perfect creature. A hot filipino-american na naligaw sa aming isla. Ganoon na ito 10 years ago. Kung kasama nito ang tatlo pa nitong kaibigan ay parang bumalik ako sa panahong kasama ko sila. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na sa dami ng babae na hihingan nito ng pabor ay ako pa ang napili nito. Tinanong ko din siya tungkol doon pero kibit balikat lang ang sinagot niya. Tinanong ko din ang mga kaibigan nito pero wala silang naibigay na maayos na sagot. Bakit parang gusto ko siyang salubungin ng yakap. "Hell no! Engaged ka na Luisee." Pagpapaalala ng bahagi ng utak ko. Wala akong mabanaag na emosyon sa mukha niya. Napakaseryoso pa din niya. Isa lang ang napansin ko, nakatitig siya sa magkahawak naming kamay ni Earl. Lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Earl ng tuluyan na silang nakalapit. Kinalma ko ang sarili. Hindi ko alam kung napapansin ng katabi ko ang panginginig ng kamay ko. Pero hindi ko mapigilan ang sarili na titigan ang kanyang gwapong mukha katulad ng ginagawa ko 10 years ago. His deep blue eyes. Ang matangos nitong ilong na paborito kong pisilin kapag nakasimangot ito. Ang buhok nito na kulay brown at kahit hindi lagyan ng kung ano ay tila may sariling direksyon ngunit bumagay naman dito. Ang mapula at manipis nitong labi na mariing nakalapat. s**t! I hate this feeling. Bakit sa ganitong sitwasyon pa kami nagkita? Bakit ngayon pa? Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa mula sa aking kinatatayuan. Ni hindi ko na nga siya magawang titigan lalo pa at napakalapit niya. Sana matapos na ang gabi na ito. Hindi pa tapos ang party pero pagod na ako. Pagod na ang utak ko, nanlalamig na din ang buong katawan ko. Hindi pa rin nawawala ang malakas na t***k ng puso ko. Bakit ganito na naman ang nangyayari sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD