CHAPTER 95

1454 Words

PIGIL na pigil ni Elena ang mapaiyak nang makita ang sariling ama na nakayukyok sa isang tabi at tila tahimik na umiiyak. "Itay.." Bigla itong napaangat. Kitang-kita sa mga mata nito ang matinding pagod at pamamaga nito dala ng pag-iyak. Hindi tuloy maiwasang mabahala ni Elena kung anong balita sa kalagayan ng kanyang inay. "Anak.." Mahigpit siyang yumakap sa ama. Naramdaman niya ang pagyugyog ng balikat nito, tanda na umiiyak ito. Lalong domoble ang kaba sa dibdib ni Elena dahil sa nakikitang kalagayan nito. Akmang magsasalita siya ng marinig niya ang halos pabulong nitong bigkas. "Ang inay mo.." "Anong nangyari kay inay, itay?" tanong ni Elena. Unti-unting namumuo ang luha sa kanyang mga mata. Mabagal itong kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Maya't maya ang pagsinghot nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD