ISANG siko ang nagpalingon kay Elena. "Si Joven.." bulong ni Laila. Nasundan niya ang tinitingnan nito. Kasama nito ang mga barkada. Himala nga at seryoso yata ang mukha ng lalaki. Ilang Linggo rin itong hindi nagpakita sa kanya, simula noong mabugbog daw ito ng outsider. "Hi, Elena.." bahagya itong ngumiti. Kahit wala pang permiso mula sa kanya, umupo ito sa tabi niya, si Laila na tuloy ang nag-adjust para dito. "Puwede ba kitang makausap ng sarilinan, Elena? May kailangan ka lang malaman," ani nito. Tinitigan naman ito ni Elena. Nasa mukha pa rin nito ang kaseryosohan na para bang napakahalaga ng sasabihin nito sa kanya. "May exam pa kami, Joven. Siguro, mamaya na lang." Sandali itong natahimik. "Sandali lang ito. Mas magandang malaman mo na ngayon." Kitang-kita niya

