NAALIMPUNGATAN si Elena nang maramdaman ang isang halik sa labi niya. "We're here.." Sabay haplos sa mukha niya. Buong ingat siya nitong inalalayan pababa ng sasakyan. Gusto pa niyang mapangiti at grabi ito kung umalalay. Samantalang isang buwan pa lang naman ang tiyan niya. Hindi nga niya inaasahan na dadalhin siya nito sa mala-palasyong bahay nito. "Daddy!" Napakagat-labi si Elena nang masayang tumatakbo si Angel. Hindi niya maiwasang kabahan sa isiping hindi na ang dating mom nito ang makakasama nito. Nakalimutan niya ring magtanong sa nobyo. Hindi niya alam kung alam na ba ng bata? Na hindi na nito makakasama ang mommy nitong si Gail. Nang bigla itong lumingon. "Mommy Elena!" Na siyang ikinagulat niya. Wala siyang nagawa kun'di yakapin ang bata habang pasimpleng napat

