NAPALUNOK si Elena nang mabagal nitong ilayo ang labi sa labi niya. Ramdam ni Elena ang pagkabitin niya. Uminit ang mukha niya nang makitang nanunukso ang mga mata nito. Tila basang-basa nito ang bawat titig at galaw niya. Nang sumeryoso ang guwapong mukha nito. Muling pinakatitigan ang kanyang mga mata. "Sinaktan ka ba nang gagong Joven na iyon? May hinawakan ba siya sa parte nang katawan --" Mabilis siyang umiling. Doon niya nabanaag ang pag-aalala nito, ngunit gumuhit din ang galit sa mga mata nito. "Siguro kung hindi ka kaagad dumating, siguradong tuluyan niyang mahahawakan ang katawan ko at maibabalandra sa mga kasamahan nito," wika ni Elena sabay yuko ng ulo. Pansin niya ang mabigat nitong hininga. Tila bumalik na naman ang galit nito at kita niya ang pagdilim ng mukha ni

