NAALIMPUNGATAN si Elena nang makarinig ng sunod-sunod na katok. Kunot-noo siyang napabangon, sandaling natitigan ang katabing kama. Tanda na hindi siya tinabihan ni Henri at walang bakas nang kahit anong gusot doon. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya at 'agad tinungo ang pinto. "Hi!" Gulat na napakurap si Elena nang makitang lasing na lasing si Henri habang inaalalayan ito ni Gail. Ramdam niya ang pagbigat ng kanyang dibdib ngunit kaagad din niyang pinakalma ang sarili. Hindi siya magpapahalata sa babaeng ito na apektado siya na kasama nito ang nobyo niya. Ngunit alam ni Elenang tila may mabigat na batong nakadagan sa dibdib niya sa isiping lumabas pala ang nobyo niya at talagang kasama nito ang secretary nito. "Nakita ko siya sa bar. Mabuti na lang nagkataong nandoon din

