LIHIM na napalunok si Elena nang mapansing kakaiba ang tinging ipinupukol sa kanya ng secretary ng nobyo niya. Nakangiti ito ngunit tila ba hindi totoo ang nakikita ng kanyang mga mata. O sadyang naninibago lang siya lalo na't ngayon lang naman niya ito nakilala? Lihim na napabuntong-hininga si Elena. Nagtrabaho naman siya sa kompanya ng mga Sy, ngunit hindi niya naramdaman ang ganitong pakiramdam. Na tila pailalim siya kung pagmasdan nito. Bukod doon, ang sungit nitong tingnan. Tila napaka-suplada? Ang tapang ng mukha, kahit ngumiti, halata pa rin ang kasungitan nito. Nakatikwas ang makapal nitong kilay. At ang pananamit nito, kulang na lang yata, ilabas ang malusog nitong dibdib! Talagang naka-dress ito? Akala pa naman ni Elena, skirt at blouse ang suot ng secretary? Kahit pala

