CHAPTER 10

1610 Words

ISANG malakas na tili ang kumawala sa bibig ni Elena habang pilit na tinatakpan ang sariling katawan. "B-bastos ka! Umalis ka dito!" taranta at natatakot na sigaw niya kay Henri. Ramdam ni Elena ang pamumula ng kanyang mukha. Nang mapansin niya ang mabilisang pagtalikod nito. Lalong napalunok si Elena nang makita ang tattoo sa likuran nito. Hindi niya akalaing nababalutan ito ng tattoo sa katawan! Mas lalo siyang nakaramdam ng pagkadisgusto sa lalaki. Hindi man lang niya pinangarap ang magkaroon ng lalaki sa buhay na pawang tattoo ang katawan! "S-sinabi kong umalis ka!" Nagtapang-tapangan si Elena kahit ang totoo, gusto na niyang maiyak sa sobrang takot! Iniisip pa lang niyang may gagawin itong masama sa kanya - gusto na niyang umiyak at kung kaya niya lang makatakbo palabas ng k'

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD