ISANG BUWAN ANG NAKALIPAS.. NAPALUNOK si Elena nang makita ang inis sa mukha ni Belenda. Ilang oras na kasi ang lumipas, wala pa rin si Kira. "Tinawagan mo na ba?" asik nito kay LenLen, ang Personal Assisstant nito. Agad naman itong tumango. "Out of coverage --" "Damn!" mura ni Belenda. Yumuko ang lahat dahil sa nakikitang galit sa mukha nito. Palakad-lakad din ito at hindi na mapakali. Mahalaga pa naman ang shoot ng araw na iyon. Nasa isang sikat na beach resort sila. Doon kasi gaganapin ang shoot ni Kira. Sa ibabaw ng dalampasigan. Napalunok si Elena nang biglang mapalingon sa kanya si Belenda. Nang bigla itong lumapit sa kanya. Hinawakan ang kanyang mga kamay. Labis naman siyang nagtataka. Seryoso ang mukha nito, kaya hindi siya makapalag at alam niyang galit ito dahil hindi d

