BUONG pagmamahal na pinagmasdan ni Henri ang dating kasintahang si Elena. Kita niya ang kapayapaan sa mukha nito habang nasa mga bisig niya. Bahagya pa siyang napangiti at nakaawang ng kaunti ang bibig nito, halatang pagod na pagod at sobrang himbing ng tulog nito! Kung bakit hindi niya napigilang angkinin ito nang ilang beses! Mahigit tatlong taon din! Maingat niyang hinaplos ang magandang mukha nito. Sa loob ng mahigit tatlong taon walang nagbago - sobrang mahal na mahal pa rin niya ito. Ito pa rin ang nagmamay-ari ng puso niya! Mahabang napabuntong-hininga si Henri. Ang totoo, hinintay niya itong bumalik sa piling niya. Pinagbigyan niya itong abutin ang mga gusto nito sa buhay. Ngunit lumipas ang mga taon, kitang-kita niya na lalo itong nawili sa career nito, mas nakita niyang

