LUMIPAS ang mga araw. Napapansin ni Elena ang malaking pagbabago ng dating nobyo. Simula nang maangkin siya nito, tila naglaho ang galit sa mga mata nito. Nagtaka rin siya sa ikinikilos nito, para bang bumabalik ang dating Henri na minahal niya noon. Nagagawa siyang ipagluto at talagang sinisigurado nitong may maliit itong note na iniiwan sa ibabaw ng unan nito bago umalis ng bahay. Pakiramdam ni Elena, kumikilos itong parang nobyo niya! Ngunit alam niyang may asawa't anak na ito! Alam niya ring hindi tama ang ginagawa nilang dalawa! Ngunit wala siyang lakas ng loob na magsalita. Natatakot siyang baka bigla itong magalit. Ang ipingtataka niya, walang gabing hindi ito umuuwi at natutulog sa tabi niya. Iniisip niya si Gail. Hindi ba ito nagtataka? Hindi ba nag-aaway ang dalawang

