ISANG tapik ang nagpalingon kay Henri. "Timothy..!" Bahagya siya nitong niyakap. "Long time no see! Kumusta?" masiglang sambit nito. "At bakit nagpapakalasing ka?" Nagawa pa nitong tumawa ng mahina. Ngunit gumuhit lang ang sakit sa mukha ni Henri. "Hey, problemang Pag-ibig ba 'yan?" biro pa nito. Nang hindi siya nakakibo, bigla naman itong sumeryoso. "P'wede mong sabihin sa akin, makikinig ako." Muling tumungga ng alak si Henri. Ganoon na rin ang ginawa ni Timothy, habang nakatitig sa kanya. Napalunok si Henri nang maalalang nasa Paris ngayon ang nobyang si Elena. Dalawang Linggo ito roon. Gusto sana niyang sumama, ngunit 'agad siya nitong pinigilan. Ang masakit pa, ang sabihan siyang: makakagambala lang siya rito. Samantalang ang ibang magkarelasyon, natutuwa pa ang kasint

