PAGKABUKAS na pagkabukas ng pinto, ang mukha ni Henri ang bumungad kay Elena. 'Agad siyang napaiwas ng tingin ng makita ang tamis ng ngiti nito sa labi. May bitbit din itong bulaklak. Kulay puti iyon na tila nagsisimbolo ng kalinisan niya bilang babae. Hindi maiwasang mapalunok ni Elena. "Hi!" Masayang-masaya ang awra ng mukha nito. Ang mga mata nitong tila nangingislap Marahil, panalong-panalo ito dahil sa nangyari sa kanila kahapon sa malaking talon! Uminit ang magkabilaang-pisngi ni Elena nang maalala kung paano siya bumigay sa lalaking ito. "Anong ginagawa mo rito?" tanong niya. "Manliligaw!" Napilitan siyang titigan ito sa mga mata. Nakangiti pa rin ito, tila nga ito kinikilig e! "For you.." Sabay abot ng bulaklak sa kanya. Sandali niya iyong tinitigan. Kumibot-kibot p

