Napabalikwas ako ng bangon. Habol ang hininga ay bumaba ako ng kama ko. Naglakad ako papuntang kusina. Nagsimula nang manginig ang mga kamay at tuhod ko. Kaagad akong napasandig sa dingding at napahawak sa dibdib ko. Ang bilis na ng pagtibok nito.
Napapikit ako nang pumasok sa isipan ko ang senaryong iyon. Napanaginipan ko na naman ang araw na iyon. Ang araw na muntik na akong mamatay. Ang araw na naging dahilan ng pagbabago ko.
Ang dating masayahing si Carla ay tuluyan nang nawala at niyakap ng buo ang kadiliman. Pero hindi iyon alam ng mga taong dito ko lang nakilala sa Japan. Nakikita nila akong masaya pero ang hindi nila alam, sa t'wing nag-iisa ako...
Gusto ko na lang mamatay.
Isang taon.
Isang taon akong nakaratay sa hospital. My bones were fractured badly. Na halos hindi ko maigalaw kahit man lang ang isang daliri ko.
Nang kaya ko na ang sarili ko ay nagdesisyon akong mangibang bansa gaya nang plano ko no'ng araw na iyon. Namuhay ako rito sa Japan na malayo sa kinagisnan kong buhay.
Isa lang akong simpleng farmer dito at napapaligiran ako ng mga pinoy na kapitbahay. Tinatawagan naman ako nina Mommy at Daddy, pati na rin ng mga kapatid ko. Sixteen na rin ang bunso naming si Mark at handa na raw siyang mamahala sa buong Casa Hermana.
Nalulungkot lang ako sa parteng wala ako sa tabi nila. Na dapat ako itong unang babati sa kanila sa t'wing may mga achievement sila, dahil ako itong panganay. Pero sila pa itong laging nangangamusta sa akin.
Napaupo na ako sa sahig ng kwarto ko at niyakap ang mga tuhod na kanina pa nangangatog. Pinagpapawisan na ako nang malamig.
Anim na taon na...
Anim na taon na simula nang makita mismo ng dalawa kong mga mata ang pagtataksil sa akin ng lalakeng minahal ko at ang babaeng tinuring kong kapatid.
Pero lagi pa rin akong dinadalaw ng bangungot na iyon. Lagi pa ring pinamumukha sa akin na mali ako ng mga taong pinagkatiwalaan.
Napahawak na ako sa dibdib ko. Hindi pa rin ako makahinga nang maayos. Mula pagkabata ay nagkaroon na ako ng anxiety sa hindi ko malamang dahilan. Ayon sa pag-aaral ng mga dalubhasa, ang anxiety ay sanhi ng isang traumatic experience na nagbubunga ng panic attacks at nauuwi sa anxiety.
Pero wala akong maalala na may nangyari sa akin noong bata pa ako para magkaroon ako ng trauma.
Nagsimula na akong umiyak. Isa-isang bumabalik sa isipan ko ang mga masasaya naming alaala ni Rad. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong dahilan kung bakit nagawa akong pagtaksilan nina Rad at Leiliz.
Nagsimula akong gumapang papuntang kusina. Kailangan ko ng tubig. Kailangan kong makainom ng pangpakalma. I don't why I still want to live. P'wede namang hayaan ko na lang na hindi ako makahinga.
Pero sa t'wing iniiisip ko na lang na kitilin ang sariling buhay, nakikita ko ang mga mukha ng pamilya ko.
They are waiting for me to get heal by the miserable past I've been through. Lagi nilang sinasabi sa akin na miss na miss na nila ang boses kong parang speaker.
Kaya bahala na...
Mabubuhay pa ako, hindi para sa sarili ko. Mabubuhay ako para sa pamilya ko.
Dahil maliit lang namang ang apartment ko, mabilis kong narating ang kusina. Kumapit ako sa mesa at pinilit na makatayo. Mabuti na lang din at inugali ko na ang paglalagay ng mga gamot sa kahit saang parte ng apartment ko. Kahit anong oras na lang kasi ay inaatake ako ng anxiety.
Kaagad kong dinampot ang gamot ko sa ibabaw ng mesa at lumunok ng dalawang pirasong tablet. Pinilit kong makalapit sa refrigerator at kinuha ang tumbler na may lamang tubig. Kaagad akong uminom ng tubig at napasalampak ulit ng upo sa sahig.
Humugot ako nang malalim na hininga. Ilang minuto pa at bumali na sa normal ang paghinga ko. Unti-unti na ring kumalma ang ang puso kong nagwawala. Sumandig ako sa refrigerator at nakatingin sa harap ng bintana. Nakikita ko na ang unti-unting pagliwanag sa labas.
Isang araw na naman na nakaligtas ako.
Hindi siguro ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang dahilan nila. Handa naman akong kalimutan ang lahat. Kaya nga ako nagpakalayo para makalimot. Pero ang puso ko... hirap makalimot.
Ganoon nga siguro talaga...
Kapag nagmahal ka nang totoo, hindi talaga basta-basta nakakalimot ang puso. Kapag naging tunay ang nararamdaman mo para sa taong iyon, hindi mo basta-basta matuturuan ang puso na basta na lang tanggapin ang lahat.
Nagsimula na sa pagpapatugtog ng mga christian song ang kapitbahay ko. Lagi niya iyang ginagawa t'wing sasapit ang bukang-liwayway. Nasasanay na rin ako, dahil tunay ngang nakagagaan sa pakiramdam. Parang binibigyan ako ng pag-asa. Na habang humihinga pa ako, kaya ko pang baguhin ang mga masasakit na nakaraan sa masaya, at magpatuloy sa isang mapayapang buhay.
Dahan-dahan akong tumayo at humugot nang malalim na hininga saka iyon binuga. Walang puwang ang negative vibes sa akin, kahit pa sabihing nabuhay ako na puro negative thoughts ang nasa utak ko.
Kailangan kong lumaban. Ipapakita ko pa sa dalawang taong nanakit sa akin na masaya ako. Na kaya kong mabuhay sa kabila ng mga ginawa nila sa akin.
Nakaraan ka lang, ako ito si Carla!
Kapag hinayaan kong malugmok sa kalungkutan, hindi lang ako ang mahihirapan, kung hindi pati na rin ang pamilya ko.
Umirap ako sa kawalan. Masyado na silang sinuswerte at pinaglaanan ko sila ng anim na taon. Oras na para maglaan naman ng oras para sa sarili kong kasiyahan. Oras na para ipakita sa kanila na hindi sila karapatdapat na pag-aksayahan kahit isang segundo lang.
Huminga ako nang malalim.
It's time for a change.
It's time for a new life.
Ngayon ko lang naisip na ang tãnga ko pala at hinayaan kong mangibabaw ang kalungkutan sa buhay ko.
My gosh!
Sayang ang ganda ko kung hindi mapapakinabangan!
Maghintay lang kayong dalawa. Babalik ako ng Pilipinas na taas-noo at kapag nakita ko kayo...
Who you kayong mga anak ng kalunggo!
Ngumiti ako. Ganyan nga Carla. Sinayang mo na ang anim na taon sa walang kwentang mga iniisip. Oras naman para mabuhay na naaayon sa gusto mo.