Chapter 3

1671 Words
Chapter 3 : First Day "Good morning there pretty lady." Taas baba ang kilay na pagkausap ko sa sarili kong repleksyon sa salamin, kaunting dagdag pa ng blush on at ready to go na ko. Kung last time ay hindi ako prepared, ngayon ay sinigurado ko talaga na magiging maganda ako sa paningin ni Anthony. Feel na feel ko nga ang suot kong wine red fmasuth ruffle waist suit skirt na itinerno ko sa isang black pointed toe pumps. I even put light make up para mailabas ang pagiging diyosa ko. And I just did a half up, half down hairstyle para hindi sagabal sa trabaho mamaya. It's been a week at ngayon ang first day ko sa kumpanya ng Ex kong gwapo sana kaya lang ay manloloko. But past is past, mukhang hindi naman na siya apektado kaya dapat ako rin. Unfair naman yata para sa akin kung ikukulong ko ang sarili ko sa nakaraan habang siya ay ayos na ayos lang. Mabilis kong isinuksok ang pabango, suklay at maliit kong make-up kit sa may kalakihang black leather bag ko. Paniguradong medyo mahahaggard na naman ako nito sa jeep. Kadalasan kasi sa mga driver ay pilit pinagkakasya ang mga pasahero hanggang sa halos magkapalitan na ng amoy at mukha. I honestly don't want to ride one right now pero para namang may choice ako, isang daan na nga lang ang laman ng wallet ko eh. Nakalimutan na naman kasi akong padalan ng pera ni mommy, malas pa at sumabay na nasira ang gulong ng sasakyan ko last week. Nang mailock ang gate ay maglalakad na sana ako papunta sa sakayan ng jeep ng huminto sa harap ko ang isang makintab at matingkad na bughaw na sports car. Grabe! Walang sinabi ang puting honda civic ko sa Pagani Zonda HP Barchetta na nasa harapan ko ngayon. Bumaba mula roon si Anthony na naka aviator sunglasses pa and I couldn't stop myself from shamelessly checking him out. Nakasuot siya ng three-piece navy blue suit at makintab na itim na leather shoes na talaga namang bumagay sa kaniya. His tousled quiff hairstyle suits him as well. Kapansin-pansin ang hindi kakapalang facial hair sa mukha niya, bagay na muntik ng ikatulo ng laway ko. Damn! He looks even more handsome and manlier right now. Para siyang isang modelong direktang lumabas mula sa isang men's magazine. "Good morning Monic. Nice outfit by the way. Hatid na kita sa company? Sabay na lang siguro tayo," nakangiting paanyaya niya at naupo sa hood ng sariling sasakyan na ikinakagat labi ko. That sounds tempting. Sasama ba ko o sasama ba ko? "I'm sorry sir, I have to take down your offer. May pupuntahan pa kasi ako bago pumasok." I smiled seductively. Nakita ko kung paano tumaas baba ang adams apple niya dahilan para mapataas ang kilay ko. I still have effect on him? What a surprise! Akala ko ay ako na lang sa aming dalawa ang apektado sa presensiya niya. I smirked at the back of my head, tama yan maglaway ka sa babaeng sinayang mo. "Oh, I see. Just make sure not to be late, okay?" I bit my lower lip to surpress my laugh. Natataranta kasi niya iyong sinabi at mukhang hindi matae ang itsura niya ngayon. "All right, aalis na ako." Naiilang na pagpapaalam niya at pumasok na sa magarang sasakyan niya. Nang makaalis siya ay napanguso na lang ako. Hindi man lang ako pinilit ganoon na lang talaga 'yun? Wala naman talaga akong dadaanan palusot ko lang 'yun eh. Nag-iinarte lang naman ako ng konte pero gusto ko naman talaga sumabay sa kaniya eh! Hanggang makasakay tuloy ako ng jeep ay nakabusangot ako. Sanay naman na akong magcommute at makaamoy ng samu't-saring hindi kaaya-ayang amoy. Ang hiling ko lang ay 'wag kumapit sa akin 'yon lalo na yung nakakamatay na putok ng katabi ko. Gaano na ba kamahal ang tawas ngayon? Nang makarating sa kumpaniya ay dumiretso agad ako sa pwesto ko at sinimulan ng magcompute sa scratch paper ko nang may mag-abot ng isang bugkos ng rosas sa akin dahilan para mapahinto ako sa ginagawa ko. Hindi ko maiwasang magulat ngunit kalauna'y napangiti na lang ako, naks! Kakapasok ko pa lang pero may paganito na agad? "Wow, sino pong nagpapabigay?" Namamanghang tanong ko sa nag-abot na babae, imposible naman sigurong sa kaniya nanggaling diba? Malabo eh, mukha namang straight siya. "I don't know either. Basta ang alam ko lang ay may nagpapaabot daw sayo. Pinaabot lang din sa akin 'yan." Nakabusangot na sabi niya na tila ba wala sa mood makipag-usap, kapansin-pansin nga ang kasungitan sa tinig nito eh. Kamag-anak ata to ni ma'am Kim? Pareho sila na akala mo pasan na lahat ng problema sa mundo. Dapat isama ng RGC sa requirements ng applicants nila yung certification of good moral. "Ay, sige ma'am. Salamat po. Ano pong name niyo?" magalang na tanong ko sa kaniya not minding her kasungitan, baka kasi may monthly period lang kaya masama ang mukha. "Ynna Ramos," maikling pagpapakilala niya at lumabas na ng designated workplace para sa finance department. O? Hindi pala siya account. She looks quite familiar pero saka ko na siguro iisipin kung sino siya dahil baka mapagalitan pa ko ng head ng department namin kapag nakitang nakatunganga ako sa halip na nagtatrabaho. Kaya lang ay wala pang isang minuto ang lumilipas ng si Cheradee naman ang sumulpot sa harapan ko, kakahawak ko pa nga lang uli ng ballpen ko! Mamamali na talaga ako ng compute nito. "Uy hello Che, anong kailangan mo?" nakangiting tanong ko sa kaniya na sinuklian naman niya pabalik. I suddenly had the urge to pinch her chubby cheeks. "Pinapapunta ka kasi ni sir sa office niya, urgent daw. Binilin niya na bilisan mo raw dahil ayaw daw niya sa taong babagal-bagal," nag-aalangang sambit niya dahilan para mapabusangot ako, napakademanding talaga ng lalaking 'yun! Itinabi ko muna sa isang gilid ang ginagawa ko at pinatungan ng stapler para hindi liparin. Kailan pa pinatawag ang account sa office ng CEO? As far as I know it's either the head finance or the CFO lang naman, so what the hell does he need from me? Sisisantehin na kaya niya ako? Hindi ko tuloy maiwasang mag-over think at kabahan. Bakit naman kasi biglaan? "Sir, pinatawag mo raw po ako?" kinakabahang tanong ko ng makapasok na ako sa loob ng opisina niya. Nanlalamig ang kamay ko sa kaba habang naghihintay ng sagot niya. "Oo, bakit may bulaklak na iniabot sayo si Ynna?" I blinked once, twice. Teka, ano raw? "Ha?" Nagugulumihanang tanong ko, nagpaprocess pa kasi sa utak ko ang sinabi niya. "Don't make me repeat myself, kanino galing 'yun?" Kababakasan ng galit ang tinig niya dahilan para mas lalong magbuhol ang utak ko, ano na naman kayang trip ng isang to? "Sir hindi ko rin po alam eh.Nagulat nga po ako eh." Nakangiwing paliwanag ko. "Bakit niyo po naitanong?" Kalmadong tanong ko kahit sa loob-loob ko ay gusto ko na siyang sabunutan sa inis. Pinakaba niya lang ako para sa isang bagay na dapat ay wala siyang pakialam unless ayaw niya akong maging masaya. "Wala, gusto ko lang. Bakit masama ba?" He asked sternly. I shrugged my shoulders. "Hindi naman po masama sir," sarkastikong tugon ko sa napakatangang pahayag niya. Of course I lied pero dahil boss ko siya makikipagplastikan muna ako sa kaniya. "That's all, go back to work." Matinding pagpipigil ang ginawa ko para hindi siya masabunutan bago napipilitang bumalik sa cubicle ko. Sa dami ng tao sa kumpanyang to siya pala ang main chismoso, hindi pa rin talaga nagbabago! "Uy monic ligayang ligaya tayo ah?" Biglang pagsulpot na naman ni Cheradee sa tabi ko. "Kanino galing 'yung bouquet ng red roses ha? Kay sir ba? Ayieee sanaol po." Impit siyang nagtitili na animo'y teenager dahilan para mapabungisngis ako. "Nope. M yung initial na nakalagay sa may card eh," nangingiting paliwanag ko, nahihinuha ko na kasi kung kanino galing. "Hala! Hindi mo pa pala alam?" She dramatically cover her mouth and exaggeratedly widened her eyes, at dahil likas akong chismosa ay nakaabang ako sa susunod na sasabihin niya. "Nagpabago na si sir ng pangalan siya na si Manthony Nash Rivera." Namilog ang mga mata ko sa narinig mula sa kaniya. Wait, what? "Kailan pa?" nagtatakang bulalas ko. "Kanina lang." And she laugh her ass off like there's no tommorow. It took me more than a minute, bago ko marealize na pinagtitripan niya lang pala ako. "You're so gullible. Babalik na nga ako sa ginagawa ko, mamaya na lang tayo magkuwentuhan at baka masisante pa tayo." Bumubungisngis na naglakad siya palayo. I waved my goodbye bago ako naglakad sa kabilang direksyon. Napailing-iling na lang ako habang nangingiting bumalik sa pagtatrabaho, hindi ako makapaniwala na sobra na pala akong uto-uto. Dahil sa pagiging focused ko sa ginagawa ko ay hindi ko na namalayan ang oras, napatingin lang ako sa pambisig kong relo ng tumayo ang mga kasama ko, duon ko lang napagtanto na tapos na pala ang shift namin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo nang maiyos ang gamit ko, medyo nag-unat unat pa ako bago sumabay sa iba na palabas pa lang ng opisina. My first day in the RGC ended well, medyo nakakapakod nga lang sa utak. Masakit din sa pwet at batok na nakaupo at nakayuko lang ng 8hrs. Pero kinakaya naman dahil kailangan. Tatawid pa lang sana ako ng kalsada papunta sa paradahan nang huminto na naman sa harap ko iyong magarang sasakyan ni Anthony. "Hop in," maikling utos niya pero nakabusangot lang akong tumitig sa kaniya. "Don't turn me down this time. Lalo na kung wala ka naman talagang pupuntahan at mas trip mo lang sumakay ng jeep," nakabusangot at tuloy-tuloy niyang sambit. How did he know? He's getting creepy, kala mong stalker sa dami ng nalalaman niya about sa akin. Sa huli ay nakita ko na lang ang sarili kong medyo napipilitang sumakay sa sasakyan niya. Siya na mismo ang nagkabit ng seatbelt ko bagay na ikinakabog ng dibdib ko. What the hell are you planning this time Anthony?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD