Damn! she's a badass, walang kakurap kurap nyang pinanood ang pakikipaglaban ng babaeng natipuhan, mukhang hindi basta basta ang babae, base sa kilos nito at uri ng pakikipaglaban parang may alam ito sa martial arts, pinanood niya ito kung pano nito isa isang pinatumba ang apat na mga lalaking bumastos rito. Sumusuray ito papuntang c,r kaya patuloy niya itong sinusundan, Hindi man lang ito nag abalang tumingin sa paligid kung saan mga humahangang tingin ng mga kalalakihan ang masulyapan mo sa bawat mesa na nandoon sa loob, nakakuha sya ng sobrang daming taga hanga dahil kakaibang babae sya sa tingin ng mga lalaki maging sa mga babae.
Ramdam na nya ang hilo dahil sa tapang ng alak na ininom, pero lalong nahilo sya after nyang mapabagsak ang mga lalaking yun na humarang sa kaniya kanina, ramdam din nya ang matang nakatitig sa kanya pero benaliwala nya nalang, wala man lang sumubok na umawat sa mga lalaking yun, malamang sa malamang kilalang mga siga ang mga lalaking yun dito kaya walang nangingialam, tss! umingos sya sa naiisip, di ba nila alam na babae parin ako, I need a protection. maarteng anas nya, protection my ass! ni hindi nga sila nakatama sa akin kahit isa, after nyang mapatumba ang mga lalaki kanina agad na siyang pumasok dito sa cr,
Samantala kanina pa ang lalaki dito sa labas, hinintay nyang lumabas yung babae kanina, hindi nya hiwalayan ng tingin ang babae, ramdam nya ang panganib sa buhay nito paglabas dito sa bar tiyak aabangan ito sa labas ng mga nakaaway nito, may kinausap na sya para ihatid ang dalawang kasama nito sa hotel nila, mukhang marami syang makakalaban dahil sa pag protekta sa mga dalaga, hindi nya masisisi ang mga kalalakihang naglaway sa kagandahan ng mga dalaga lalong lalo na ang babae na nasa loob ng cr, mukhang mapipililitan syang daanin ito sa dahas para sumama sa kanya, mukhang matigas ang ulo ng dalaga, malabong madadala nya ito sa pakiusap,
After nyang magbanyo ay nag retouch pa muna sya, mukhang napasobra yata ang pag inom nila ng mga kaibigan, aayain na niya ang mga ito para bumalik na sa hotel, madaming bastos sa labas, ayaw niyang ipahamak ang mga kaibigan, tama na ang nangyari sa kanya, palabas na sya ng banyo ng may biglang humarang sa kanyang harapan, napasinghap pa sya ng kanyang makitang mabuti ang hitsura ng lalaki, Wow in fairness gwapo ito, yun agad ang unang mailarawan nya sa lalaki, matipuno at moreno, mukha itong heartrob kung ihanay sa mga artista,
Humalikhip siya para mapagtakpan ang umuusbong na paghanga sa kaharap, What do you want Mr? asik nya agad sa lalaki, hindi nya gusto ang titig nito na parang may binabalak na masama sa kanya kung makatitig, you need to go with me right now, walang kangiti ngiti nitong sabi sa kanya na ikinainit ng kanyang ulo, di ba nito alam na ayaw niya kapag minamaduhan siya kagaya ng mga magulang niya. Excuse me Mr! bakit naman ako sasama sayo?