Ginger
Kuya jeric I need to go back to the Philippines,it's time para asikasuhin ko na yung annulment namin ng ex-husband ko, pinatatawag ako ng abogado, gusto ng husband ko na mapawalang bisa agad ang kasal namin, please kuya iiwanan ko muna si adrian sa family ni Isaiah,
alam ko naman na busy ka sa business mo, baka di mo rin mabantayan si Adrian, don't worry one month lang ako doon, I'm sure naman makikipag cooperate si Adam,
Mag ingat ka doon twin, ayaw Kong mabalitaan na makipag ayos ka pa sa lalaking yun, mayroon ka nang Isaiah na mahal na mahal ka, malayo doon sa Adam mo, four years na siyang nasa tabi mo, ayaw Kong magkaproblema kaming magkaibigan kapag makipaglapit ka ulit sa ex mo, I trust you ginger, madaliin mo ang annulment nyo para makasal na kaagad kayo ni Isaiah, botong boto Ako doon,
Oo na kambal, Basta pag di ka busy dalawin mo doon si adi, I'm sure malungkot yun, gusto ko sana siyang isama Kaso baka makita pa Siya ni Adam, natatakot akong mawala sa akin ang anak ko kuya, isa pa baka di rin tanggapin ng Nadine na Yun ang anak ko, ayaw Kong maranasan ng anak ko yon kuya, I will protect him no matter what, I'll protect my son from his own father,
Sigurado ka ba talaga sa pinagagawa mo ginger? I'm your twin brother, nasasaktan ako nung nalaman ko ang nangyayari Sayo, pero as a father twin, masakit ang mapagtaguan ng anak, hindi ko kinakampihan ang gagong yun , pero malaki ang utang na loob natin sa pamilya niya, nakalaya ang mga magulang natin sa mga suarez, kahit ganun ang nangyari ay hindi deserve ng mag ama na paglayuin mo Sila, darating ang araw lalaki ang anak mo, tatanungin niya kung nasaan ang ama niya, kaya mo bang magsinungaling sa anak mo? Kaya mo bang ipaako sa iba ang resposibilidad bilang ama ni adi?
Malaki ka na kaya dapat alam mo na ang Tama sa mali, kahit ang mga magulang natin ay ganyan din ang sasabihin once na malaman nila na may apo na pala Sila Sayo. Huwag mong gawing dahilan ang Galit mo para maparusahan si Adam, harapin mo Siya at Sabihin mong may anak kayo, magagalit Siya pero at least sinabi mo at Sayo nanggaling, huwag mong hayaan na maging huli Ang lahat ginger.
Kuya! niyakap niya ang kanyang kambal, first time niyang narinig na nagseryoso ito at tumagos sa puso niya ang pangaral ng Kapatid.
Thank you kuya, your the best brother I ever had, love you twin.
Thank you dahil lagi kang nandiyan para sa Amin ni adi, Akala ko nga Hindi na Ako makakabangon sa pagkakalugmok, pero nandiyan ka at si ate larah tapos diyan pa si Isaiah at ang anak ko, pati si mom at dad na kahit malayo ay ramdam ko ang pagmamahal nila kuya.
Your welcome twin, we're always be here for you, mahal na mahal ka namin, Basta pag isipan mo ang sinabi ko Sayo, mag ingat ka doon at ikumusta mo kami sa magulang natin
I will kuya, aalis na Ako, kayo Muna ang bahala sa anak ko, walking distance lang naman ang bahay nila Isaiah, pakisilip nalang kuya.
Kasalukuyan na siyang sakay ng taksi papuntang airport, this is it, maghaharap na Tayo sa wakas my f*****g husband, siguraduhin ko na uuwi akong Australia na Malaya na mula Sayo.