Ginger
Congratulations Mrs you're three weeks pregnant, hindi niya maipaliwanag ang sayang naramdaman ng ibalita sa kanya ng doctor ang kanyang pagbubuntis, may pag alinlangan parin siya sa asawa, hindi madaling kalimutan kung paano Sila nag umpisa, paano kung hindi pa ito totoong nakapag move on sa dating fiancee, paano kung patuloy lang pala siyang umaasa na mahal na siya nito.
Three months pa lang Sila mula nang Sila ay magsama, samantalang three years niyang kasintahan ang babaeng yun, naiisip niyang ilihim muna rito ang kanyang pagbubuntis, natatakot siya na baka hindi pa ito naka move on at ituloy nito ang kanilang naunang agreement
Paano kung itong bata lang ang hinintay nitong lumabas para Himalayan Siya, ito Naman talaga ang kasunduan nila Bago Sila kinasal, ayaw na niyang sundin ang kasunduan na Yun, three weeks palang ang nabuo sa tiyan niya pero hindi niya kayang isipin na darating ang Araw na ilalayo ito sa kanya, ikamamatay niya yun,
Umuwi siyang matamlay, gustong gusto niyang Sabihin Kay Adam, pero Hindi pa Siya handa, Saka na siguro kapag sigurado na ang asawa niya sa naramdaman nito sa kanya, I'm sorry Adam kung itatago ko Muna ito Sayo, tinago niyang mabuti ang mga iniinom na vitamins, pati pagduduwal niya hindi niya pinapahalata, magagalit ito sigurado sa pagkilihim niya pero takot pa Kasi Siya.
Sa sunod buwan magpapaalam Siya sa asawa, magbabakasyon Siya sa Lolo at Lola, uuwi Muna siyang bicol, alam niyang Hindi papayag ang asawa kaya magdahilan nalang Siya, besides alam niya namang busy ito sa negosyo, halos Hindi na nga niya ito makatabi sa pag tulog, noong Isang Araw na puntahan sana niya ito sa office pero hindi Siya pinapasok,
Hindi Siya Kilala sa opisina, Hindi sinabi ng asawa ang totoong status nito sa kompanya, medyo nasasaktan Siya pero siguro pinoprotektahan lang Siya ng asawa, uuwi na sana Siya ng may makita siyang restaurant na malapit, pumasok Muna Siya Kasi mukhang masarap ang mga pagkain doon, naglalaway Siya at may gusto siyang kainin na di pa niya matukoy,
Pero may nahagip ang kanyang paningin kaya di na Siya tumuloy, nandoon ang kanyang asawa kumakain kasama ng Isang magandang babae na kilalang Kilala niya, ex fiancee ito ni Adam, busy Pala ito sa ibang bagay, kaya mas lalo siyang naduwag na ipaalam rito ang pagbubuntis niya, kitang kita niya kung paano magharutan ang dalawa.