Ginger Kanina pa siya nakasilip sa mag ama niya na kasalukuyang nag uusap sa harapan ng mesa, kakatapos lang niyang maligo, gutom na talaga siya kaya naka roba lang siyang bumaba, pero hindi pa man siya nakarating sa kusina ay rinig na niya ang pinag uusapan ng dalawa. Masakit sa dibdib habang pinapakinggan niya ang anak, all this time marami siyang pagkukulang sa anak, hindi niya naiisip na kahit anong gawin niyang effort para maramdaman nitong siya lang sapat na ay hinahanap parin nito ang pagmamahal ng isang ama. May sikreto pa ang dalawang nalalaman, hindi napansin ng mga itong kanina niya pa naririnig ang kanilang pinag uusapan, Wala naman siyang magagawa kahit magsisisi man siya ay hindi na niya maibalik sa dati ang mga panahong nasayang sa kanilang mag asawa at pati narin sa kanil

