Nadine Miss nadine sarmiento may dalaw ka! rinig niyang tawag sa kanya ng guard, sino naman kaya ang malas na gustong dumalaw sa kanya, ayaw na sana niyang humarap pa sa kung sino, hindi na niya iniexpect pa na dalawin pa siya ng mga magulang niya, pagod na siyang umasa pa na darating ang araw na mapatawad siya ng kaniyang pamilya, Pagkatapos ng mga paghihirap niya para lang maitawid niya ang mga ito sa kahirapan ay basta nalang siyang kinalimutan, ang mga kapatid na pinag aral niya para mapagtapos ay kahit isa ay walang dumalaw, napatanong siya sa kanyang sarili kung totoo ba talaga siyang anak. Feeling Kasi niya ginagamit lang naman siya ng pamilya para umangat. At Siya heto naiiwan sa ere, dahil lang sa kinaharap na mga problema ay kinalimutan na siya ng pamilya, Wala siyang karamay

