Maaga kung nilisan ang bahay dahil naka tanggap ako ng tawag sa Hospital. Alas otso ng umaga ay naging busy na ako sa loob ng delivery room dahil tatlong sunod-sunod na pasyenti ang aking pina anak lahat ay cesarean kaya medyo na tagalan ako. Bandang tanghali ay dinalaw ako ng dalawa kung kaibigan na sina Roman at Dolf, matagal din na hindi kame nag kita-kita. Lahat yata Kami ay naging busy sa buhay. Si Lucio naman ay tutok na tutok sa kanyang mga projects lalo na ngayun na sa kanya ipinag katiwala ang pag papagawa ng mga Rollins sa bago nitong yati. Nagka yayaan Kami na mag-iinom mamayang gabi sa Bar para maka pag relax na rin, ngunit sa kalagitnaan ng aming pag-uusap ay kumatok ang aking secretary at sinasabing tumawag umano ang aming kasambahay at pina pauwi ako dahil emergency.

