Kinabukasan ay naka handa na silang apat para sa gagawin nilang pag linlang Kay Jonah.
Nang dumating na Ang inaasahan nilang bisita ay hindi mapigilan ni Khala na umosbong Ang galit na kanyang nararamdaman ng makita niya ito.
Sa loob-loob niya ay sinakal niya na ito ng paulit-ulit.
Kahit na galit na galit siya dito ay pinilit niyang pakalmahin Ang sarili para maging successfull Ang kanilang Plano.
“Hi Ate Khala, Ang Ganda mo talaga, napaka sopistikada at mamahalin mo talaga ate Kaya in-love, na in-love sayo si kuya benedict. Ani Jonah na halata namang ka plastican lang at puno ng inggit Ang makikita sa mukha.
“- I’m fine Jonah, fine and happy I have everything, and i got what I want, ani Khala.
Pilit naman Ang ngiti ng huli na halatang hindi nito na gustohan ang sinagot ni Khala dito.
- tayo na sa dinning ng maka pag lunch na tayo. We invited you kasi mapapa aga pala Ang pag punta namin sa US para sa business meeting namin. Kaya pa despidida na rin for our family, lalo na’t sayo namin iiwan si Faye.
-“ malapad naman Ang ngiti ni Jonah ng marinig nito Ang sinabi ng kanyang sister in-law. Sa isip-isip nito ay nag wagi at matutuloy na Ang maitim na binabalak nito.
-“ I’m so happy ate na sa akin mo ipagkatiwala si Faye. I promise aalagaan ko siya ng mabuti. Ani Jonah na parang nanalo sa lotto, at hindi na ma Wala-wala Ang ngiting naka paskil sa mga labi nito..
Nag tungo na agad sila sa dinning at nag simula ng mananghalian.
nasaan pala si faye. ani jonah ng hindi nito nakita sa dinning si faye.
-" ah! nasa mall nag lalaro sa arcade, kasama niya ang driver namin. gusto kasing lumabas kaya pinag bigyan na namin., hindi na kasi yun makakalabas pag-aalis na kame.
kaya ngayun ay pinayagan na namin ani khala habang patuloy lang sa pag subo at hindi na nag abalang balingan ang nagtanong na si jonah.
- bigla namang nag ring ang cellphone ni benedict, kaya nag excuse muna ito sa kanila. sasagutin ko lang hon! tumawag ang isang kleyenti natin. ani benedict sa asawang si khala.
- okay hon! take your time and make sure na mapapayag mo silang mag invest sa atin ani khala sa asawa.
- bumalik din naman agad si benedict at nagpa-alam sa asawa na kailangan nito kitain ngayun din mismo ang naturang kleyenti para maka pirma na ito ng kontrata sa kanila.
-" pumasok naman si nana Irish sa kusina, kaya naman ay tinawag agad ito ni khala.
- nana Irish pa suyo naman.
- Ano po yun ma'am? ani nana Irish.
- pwede bang paki arrange na ng mga gamit na dadalhin namin nana, bukas naman yung kwarto namin pumasok ka na lang dun.
- segi po ma'am walang problima. mauuna napo ako.
- tumango lamang si khala bilang sagot dito..
di nag tagal ay natapos na din sila sa kanilang pananghalian, kaya naman ay inaya na kunyari ni khala si jonah sa kanilang silid.
- jonah halika sa kwarto may ibibigay pala ako sayo bago kame aalis. pag-aaya ni khala kay jonah.
- segi ate, Tara, excited nitong sambit.
nag lakad na sila at umakyat sa ikalawang palapag patungo sa kanilang silid na mag-asawa. dahan-dahan naman iyong binuksan ni khala at eksatong-eksakto naman na nakita nilang binulsa ni nana Irish ang Pearl na kwentas ni khala na nag-kakahalaga ng 500,000,000 milyon pesos. yun ang naabutan nilang dalawa ni jonah.
-" Nana anong ginagawa mo!? bakit mo binubulsa ang kwentas ko. sigaw ni khala habang lumalapit kay nana Irish.
kinuha naman ni khala ang kwentas na binulsa ni nana Irish, at ng makumperma ni khala na ang isa sa pinaka mamahalin niyang kwentas ang kinuha nito ay agad niya iyong nilagay sa kanyang bulsa at hinila ang buhok ni nana Irish.
-" walang hiya ka, pinagkakatiwalaan ka namin, kaya pala nag tataka ako na kukunti na lang ang mga alahas ko, ikaw lang pala ang kumukuha hayop ka. lumayas ka sa pamamahay ko. hindi ako nag kulang sa papasahod saiyo sainyung lahat, tapos ganito lang ang gagawin mo sa akin. wala kang utang na loob. akala ko ang bait-bait mo, nag-babalat kayo ka lang pala. ani khala habang hawak-hawak niya ito sa siko at ang isa niyang kamay ay naka sabunot dito habang pa baba ang mga ito sa hagdan. ng nasa baba na ang mga ito ay nag sisigaw naman si khala at tinawag ang tatlo pa nilang katulong.
aling tesse, aling melit, aling gaga, kunin ninyo ang lahat ng gamit ni nana Irish. ani khala sa tatlong katulong na nag-kukumahog sa pag lapit ng tawagin ng mga ito ni khala.
-opo ma'am, panabay na wika ng tatlo at dali-daling umalis sa harapan ng amo at sinuyod ang quarters ng mga ito para kunin ang lahat ng mga gamit ni nana Irish.
ilapag niyo yan dito at buksan baka may kinuha pang iba ang babaeng ito.
binuksan naman agad iyon ng tatlong katulong at inisa-isang nilabas ang mga gamit at damit nito.
may nakita nga silang mga alas na pag mamay-ari ni khala.
walang hiya ka! mag-nanakaw ka lumayas ka! lumayas ka ngayun din. ibigay niyo sa akin ang mga alahas na mga ninakaw niya at ibalik ang mga gamit niya sa loob at itapon niyo yan sa labas.
guard! guard! sigaw ni khala.
- yes po Ma'am khala,
kunin niyo yang mga bag ni nana Irish palabasin niyo yan.
ayaw ko nang makita pa ang pag-mumukha ng babaeng yan dito sa pamamahay ko, buti na lang at natuklasan ko agad ang pagiging mag-nanakaw niyan, kung hindi ay baka ubos na ang mga alas ko, pag-balik ko galing US.
dali-dali namang tinulungan ng mga guard ang umiiyak na ngayung si Irish.
-nang maka labas na ito ay agad namang sinara ng mga guard ang gate,.
- nang masigurong wala ng katao-tao ay dali-daling naglakad si nana Irish at sumakay sa sasakyang nag hintay sa kanya sa di kalayuan.
-" Tara na po sir benedict. ani nana Irish,
dali-dali din namang minaniho ni benedict ang sasakyang nerentahan niya. nagpa-alam siya kanina sa kanyang asawa at hilaw na kapatid na aalis na muna dahil may kikitain ito. ang totoo ay ang pamangkin ni nana Irish ang tumawag at ang kausap nito sa telepono nito, na naka abang na ito sa loob ng banyo ng naturang arcade. at hinintay lang nitong pumasok si faye para mabihisan ito ng pang disguise.
--- habang sa loob naman ng arcade ay nag-lalaro lang si faye sa basketball machine na nandoon habang hinihintay ang tawag ng kanyang ama.
ng mag ring ang kanyang cellphone ay sinagot niya agad ito.
"- hello daddy! bati nito sa ama. baby go to the bathroom now., your ate Teri is waiting to you inside. she will call you princess faye, that's how you know that it's her, okay!?
-okay daddy! yun lang ang tanging sagot ni faye sa ama.
- manong lando! can I go to tha bathroom po? naiihi po kasi ako. pagpapa-alam ni faye dito.
-segi faye, hihintayin na lang kita sa labas ng banyo, basta wag kang mag tagal ha! ani lando sa batang si faye.
- ngumiti naman si faye bago tumango.
nang makapasok sa banyo ay may isang babae na tumawag dito.
-princess faye, halika ka dito. bilis kailangan munang mag bihis nag hihintay na sila tiyang at ang daddy mo sa labas. ani Teri kay faye.
- okay po, at dali-dali ding pumasok ang dalawa sa isang cubicle at binihisan si faye, pinasout nila ito ng wig at malaking salamin sa mata at braces at ginuhitan ng makapal ang kilay nito ng uling na dala ni Teri at dinikitan ito ng pekeng nunal sa kaliwat kanan ng mukha nito.
nang matapos sa pag bibihis ay pinasok din agad ni Teri sa kanyang dalang bag ang hinubad na damit at sandals ni faye, dahil pinasoot niya ito ng sapatos na luma na kulay puti, pero naging chokolati na rin ang kulay dahil sinadya niya iyong dumihan, mahabang palda at naka turtle neck pa ito na jacket.
dahan-dahan lang sila sa pag-labas at narinig pa nila si lando na may kausap sa cellphone nito.
- yes madam nasa loob pa ng banyo ang bata. pagka tapos namin dito ay pameryendahin kuna ito at doon ko ilalagay ang pampatulog at ihatid sa inyo sa hide out. ani lando sa kausap nito na walang iba kundi si jonah.
kinunstaba ito ni jonah at binayaran ng malaking halaga para kidnapin si faye.
at ang akala ng mga ito na umaayon sa mga ito ang panahon. ay nag kakamali ang mga ito.
agad namang tinawagan ni Teri ang tyahin at sinabing papalabas na sila. doon na sila sa entrance palabas dumaan para hindi masyadong obvious., hindi naman mahalata dahil naka disguise naman si faye, ang kotseng ginamit nila ay hindi din pagmamay-ari ng mga castro.
dali-dali namang sumakay si Teri at faye sa backset, at umalis din agad ang kanilang sasakyan.
hinatid agad ni benedict ang kanyang anak na si faye kasama si nana Irish at ang pamangkin nitong madre na si Teri sa sakayan ng bus sa cubao. sampung oras din ang magiging byahi nila patungo sa batanes kapag hindi trapic at wala masyadong stop over, pero pag medyo traffic at maraming stop over ay magiging dose hanggang trese oras ang kanilang magiging byahi.
hindi na bumaba pa si benedict sa kotse para ihatid ang kaisa-isahang anak. at niyakap na lang ng mahigpit ang anak at hinalikan ito sa ulo habang may tumulong luha sa mga mata nito.
we will miss you princess, mag-iingat kau doon nana Irish, alagaan mong mabuti ang anak ko.
mag iingat ka doon princess okay!? dadalawin ka namin ng mommy mo paminsan-minsan.
nauna ng bumaba sa sasakyan si Teri at faye at tinungo ang bus na may nakalagay na byahing batanes.
habang inikot naman ni benedict ang kotse sa kabilang dako ng terminal para hindi sila mahalata, dahil hindi nila alam na baka may makakakita sa kanila o baka may naka abang pala., pero bago lumabas ay tinawagan muna ni nana Irish ang pamangkin nito at inabisohan na wag na wag siyang papansinin habang hindi pa nakakayo ang bus na kanilang sinasakyan.
matapos ang naturang tawag ay bumaba na si Irish at nagpasalamat sa amo. binigyan pa siya nito ng malaking halaga na naka subre, at agad niya itong nilagay sa kanyang shoulder bag na luma at sinuksok sa bulsa ang limang libo na pampamasahi at pangkain nila para sa boung durasyon ng kanilang byahi.
-mag-iingat po kayo ni Ma'am khala sir. alagaan niyo po ang bawat isa. ani nana Irish bago tuluyang lumabas ng kotse at hinayon ang daan patungo sa bus. sakto lang ang pag dating nita ay paalis na rin ito. at ang natirang pwesto at sa upuan lamang nila Teri. kaya doon na din umopo si nana Irish at napagitnaan nila si faye.wala silang kibuan hanggang sa makalayo na ang bus. at naka tulog din naman agad si faye.nagka usap lang ang mag tiyahin ng pa simple ng mag stop over na sila sa isang probensiya. at oras ng hapunan. patuloy parin ang kanilang pag-papanggap na animoy bagong magka-kilala lang. tahimik lamang si faye at sumusunod lamang sa mga ito. matapos maka pag haponan sa naturang canteen ng terminal na hinintuan nila ay nag banyo na muna sila at bumalik din agad sa bus.
sa hinaba-haba ng kanilang byahi ay narating din nila agad ang bayan ng batanes.
kinakailangan pa nilang sumakay ng tricycle papuntang port basco para sumakay ng Bangka papuntang itbayat Island kung saan naka tira sina nana Irish.
nasa lima hanggang sampong minuto din ang byahi bago makarating sa isla na iyon.
nag hintay pa sila na sumapit ang alas sais ng umaga para sa second trip dahil pag dating nila kaninang mga alas singko Emidya ay naka alis na ang unang trip papuntang isla itbayat. alas tress ng madaling araw ang unang trip ng bangka kaya kailangan pa nilang hintayin ang isa pang bangka na maari nilang sakyan.
nang dumating na ang isang bangka ay nag pila na agad sila at nag bayad para maka sakay na.
-wow! nana ang ganda po dito. sana makapunta sila mommy at daddy dito para makita nila ang ganda ng Lugar dito.ani faye sa kanyang nana Irish.
- wag kang mag-alala anak. dadalaw ang mga iyon pag may pagkakataon. nagustuhan mo ba dito? ani nana Irish.
-" yes po nana, ang ganda nga ng Lugar subrang nakaka relax. ani faye habang may malapad na ngiti.
makalipas ang tatlong oras na byahing pan dagat ay narating din nila ang chinaport itbayat, at sumakay pa sila ng tricycle papuntang barangay Santa Rosa kung saan ang tirahan nila nana Irish.
--------
habang sa loob naman ng mansion ay pinapakalma ni jonah at benedict ang umiiyak na si khala ng dumating ang kanilang driver na siyang kasama ng kanilang nag-iisang anak.
binalita nito sa kanila na nawawala daw umano si faye.
habang kanina ng lumabas si jonah ay nagkaroon ng pagkakataon si khala na tawagan ang kanyang asawa at nakikibalita ito. nang sabihin ni benedict na naka alis na ang bus ay laking tuwa at pasasalamat niya. na sa wakas ay magiging safety natin ang kanilang anak.
-" bakit hindi mo binantayan ng maigi ang aking anak lando. pinagka tiwala namin siya sayo. ani khala habang umiiyak. iyak ng kasiyahan dahil sa wakas ay naka takas na ang kanyang anak.
sinuntok naman ni benedict ang driver na si lando, hindi dahil sa kapabayaan nito. kundi dahil sa sinabi ng kanyang anak kanina habang hinahatid niya ang mga ito. na ka kunstabo umano ito ni jonah.
umalis kana lando, dahil sa kapabayaan mo nawawala ang kaisa-isahan kong anak. ani benedict at lumuha din. luha ng kasiyahan.
umalis din naman agad si lando. habang si jonah naman ay pasimpleng pinadalhan ng mensahi si lando at mag-kikita umano ang mga ito sa hide-out.
hindi mapigilan ni jonah ang magalit at sinampal nito si lando. na kunyari ay nag-alala sa nawawalang si faye.
wala kang kwenta, pinabayaan mo ang pamangkin ko. ani jonah bago tinulak-tulak si lando palabas ng bahay.
- ate, kuya, uuwi na muna ako, pagpapa-alam ni jonah sa mag-asawa na hanggang ngayun ay umiiyak parin si khala.
-tumango lang naman dito si benedict at inakay na ang asawa pa akyat sa silid ng mga ito para makapag-usap sila ng sila lang dalawa.