Rozel NAGISING si Rozel mula sa katok na nang gagaling sa labas ng kanilang kwarto. Maingat siyang umalis ng kama. Kasalukuyan pang natutulog si Arc. Isinuot niya ang roba sa hubad niyang katawan at walang ingay na lumapit sa hamba ng pinto. Marahan niya iyong binuksan. Kumunot ang noo niya ng makitang nakatayo roon si Roan. Ang aga naman yata nitong bumisita? "Good morning Rozel. Pwede ba kitang makausap?" Tanong nito matapos siyang batiin. Ngumiti muna siya dito at bumati bago sumang ayon sa gusto nito. Nag paalam siya saglit na magbibihis at binilinan ito na antayin na lamang siya sa ibaba. Pero ng isasara na niya ang pinto agad siya nitong pinigilan sa braso. Naguguluhan siyang tumingin dito. "Wag na, saglit lang naman ang pag-uusapan natin. Mahinang anito. Hinawakan siya nito sa k

