Rozel ANG kamay ni Rozel ay hawak ni Arc habang nakasunod sa kanila si Ate Rie. Nang makalapit sila sa sasakyan. Galit na siyang pinapasok ng asawa. Matapos ay hinarap nito ang pinsan na panay ang hingi ng paumanhin. "Honey I'm very sorry. Hindi ko naman akalai--" "Enough! Ayokong marinig ang kahit na anong paliwanag mo." Kita niya ang pagkuyom ng kamao ni Arc. Bababa sana siya ng kotse para saklolohan ang pinsan nito, pero sinenyasan siya ni Ate Rie na huwag ng ituloy ang balak niyang gawin. Sigurado kasing palalakihin lang niya ang galit ng asawa niya. Dahil wala naman siyang magagawa para makialam sa sitwasyon. Nanatili na lang siyang tahimik. At tanging pakikinig na lang ang nagawa niya. Kagat na lang niya ang ibabang labi habang naririnig ang matalim na tinig ni Arc matapos nito

