CHAPTER 4: She’s mad
RAIZER JACK SANCHEZ’s POV
Mayamaya lang ay dumating na ang order namin at nagsimula na kaming kumain nang biglang may batang nagsalita malapit sa puwesto namin.
“Whoa! What a coincidence again, froglets!” Nilingon ko si Jacky Merre. Yeah si Jacky Merre iyon. Boses niya kasi iyon na isa pa froglets na naman ang tawag sa amin.
Nasa kabilang table rin siya at nakaupo lang siya mag-isa roon. Anong ginagawa ng batang ito rito? At nasaan na ang mga kapatid niya?
“Jacky naman---” napalingon ako sa nagsalita. Pamilyar sa akin ang boses.
Then I saw her, Quinna Amera nandezo ang Mommy ng triplets. She’s wearing her doctor’s robe. Maganda nga siya sa personal. Ang buhok niya ay hanggang balikat lang ang haba. Matangkad din siyang babae.
"“Raizer...” sambit niya sa pangalan ko at gulat na gulat siya nang makita ako. Kilala ba niya ako kaya alam niya rin ang pangalan ko? Hindi lang ako sigurado kung guni-guni ko ba na tinawag niya ako sa pangalan ko.
“Quinna?” Si Kuya Ram naman ang nilingon ko. Kilala niya si Quinna Amera?
Tiningnan ko si kuya at gulat na gulat din siya na makita ito. Parang may kakaiba sa kanilang dalawa dahil palipat-lipat na ang tingin sa amin ng Mommy ng triplets.
At sa tuwing tinitingnan ko siya ay ang puso ko naman ay nagwawala na. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Pamilyar talaga siya sa akin. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya unang nakita at kapag pinipilit ko naman ay sumasakit lang ang ulo ko.
QUINNA AMERA’s POV
“Quinna?” tawag sa akin ni Kuya Ram.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa mga nakikita ko ngayon. Is he for real? Siya na ba talaga ang lalaking nang-iwan sa akin years ago at nandito na nga siya sa harapan ko mismo. Palipat-lipat pa ang tingin ko sa magkapatid. Si Kuya Ram at Raizer.
Ang lakas-lakas nang pintig ng puso ko. Feeling ko anytime ay lalabas na sa sobrang lakas ng kabog nito. N-Nakauwi na siya? Kailan naman? Gusto kong magtanong pero ano pa ba ang karapatan ko para tanungin siya? At hindi na kami magkakilala pa. Kinalimutan na nga namin ang isa’t isa. Kaya bakit ko pa iyon gagawin?
“Quinna,” tawag ulit sa akin ni Kuya Ram. Pero na kay Raizer lang ang tingin ko na katulad ko rin nakakatitig din siya sa akin at parang inaalala kung sino ako. So, hindi na nga niya ako maalala pa dahil tuluyan na nga niya akong kinalimutan?
“Mommy! I’m so hungry na po!” Nag-iwas na ako nang tingin sa kanya at binalingan ko na lamang ang anak ko. Ang kanina na gulat na reaction ko ay napalitan na ng kaba. Kasama ko ang mga anak ko at hindi ito maaari...
“M-May anak ka na pala, Quinna?” gulat na tanong sa akin ni Kuya Ram. Tumingin ulit ako kay Raizer. Pero hindi na sa akin ang kanyang tingin. Nang sinundan ko iyon ay dumoble na ang kabang nararamdaman ko. Si Quinne na kasi ang pinagtuunan niya ng pansin.
“Y-Yes,” nauutal na sagot ko pa.
“Is she---” hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita dahil sumabat na ako.
“This is not the right time to tell the truth, Kuya Ram,” mariin na sabi ko.
“Kuya kaibigan mo ba siya?” Biglang tanong ni Raizer sa kapatid. Nagsalubong ang kilay ko. So, tama nga ako na hindi na niya ako nakikilala pa.
“Ah... Yeah. She’s one of my friends... Actually more than a friend,” sabi niya pero hindi ko na alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa more than a friend na iyon. Wala na rin naman akong pakialam sa kanya.
“Okay, then. Puwede na ba tayong kumain, Kuya. I want to rest na,” malamig na sabi ni Raizer.
Oh, ngayon Raizer hindi mo na ako papansinin? Talagang nakalimot ka na nga? Sige, gagawin ko rin ang parte ko at hindi kita kauusapin at kahit ang pansinin ka ay hindi ko gagawin.
“Raizer, bro. She’s Quinna Amera Nandezo,” pagpapakilala sa akin ni Kuya Ram sa kanyang kapatid. Ano ito? Parang simula lang na kilalanin ng kapatid niya kung sino ako? Ganoon ba iyon?
“Hindi mo na kailangan pang ipapakilala ako sa kanya. Ayoko siyang makilala, Kuya Ram,” malamig na sambit ko at napatingin pa sa akin si Raizer. Hindi niya yata inaasahan na iyon ang sasabihin ko.
“Me too, ayoko rin siyang makilala siya, Kuya Ram,” malamig na sabi niya. Ito ba ang gusto mo, Raizer? Ang maging estranghero na nga tayo sa isa’t isa? Fine! Gagawin ko talaga iyon sa ’yo!
“Come on, Jacky. Sa bahay na lang tayo kakain, anak. Magluluto na lang si Mommy,” pag-aaya ko sa anak ko at ibinaba ko siya sa upuan.
Hinawakan ko ang kaliwang kamay ni Jacky at sa kanang kamay ko naman si Quinne. Habang nakasunod lang din sa amin si Jecky.
“Quinna, sandali lang!” sigaw ni Kuya Ram pero hindi ko na siya pinansin pa.
RAIZER JACK’s POV
“Quinna, sandali lang!” tawag ni Kuya sa babae.
Hindi ko alam kung bakit ko siya nasungitan. Pero quits naman kami dahil naging suplada rin naman siya sa akin, eh. Tapos mag-w-walk out din siya agad, eh.
Honestly speaking, kaya ako naging malamig kanina dahil hindi ko alam kung napapaano na naman ba ang puso ko. Sa tuwing tinititigan ko ang mga mata niya ay parang matutunaw ako. She’s familiar, ramdam ko na nakilala ko na siya dati. Pero baka hindi naman. Dahil ayaw niya raw akong makilala, eh. Mukhang may galit sa akin ang babaeng iyon.
“You’re so rude, dude,” komento sa akin ni Milley.
“Now she’s mad,” sabi naman ni Mazeke.
“I agree,” sabat naman ni Jersyn.
“Hindi ako rude. Siya ang naunang nagsungit sa akin,” depensa ko sa sarili ko. Dahil iyon din naman ang totoo.
“Raizer,” sambit ni Kuya sa pangalan ko.
“Hindi mo na sana siya pinatulan pa, eh,” sabi niya.
“What? ’Di ba sabi niya ayaw niya akong makilala? Eh, ayaw ko rin siyang makilala. Ang suplada niya masyado,” naiinis na sabi ko. Nag-init bigla ang ulo ko sa babaeng iyon.
“She’s not like that... She’s kind, Raizer.” Bakit ba pinagtatanggol niya iyon?
“More than friends, ang sabi mo kanina. Ex mo ba iyon, Kuya?” tanong ko sa kanya at seryoso niya akong tiningnan.
“No pero...muntik na siyang maging parte ng pamilya natin, Raizer. 7 years ago,” seryosong sagot niya at natulala na lamang ako sa narinig. Muntik na? Muntik na ba niyang mapangasawa ang babaeng iyon?
“Paano naman? Bakit hindi natuloy?” naguguluhan kong tanong.
“Dahil sa pag-alis mo noon. Kaya hindi natuloy,” sagot niya kaya hindi ko na iyon naintindihan pa.
“Ano naman ang kinalaman no’n sa akin, Kuya? Ang alam ko ay umalis ako dahil sa pangarap ko ngayon,” sabi ko.
“Iyon nga. Dahil sa pangarap mo. Alam mo ba na mas higit pa sana ang mayroon ka ngayon kaysa sa pangarap mong natupad nga.”
“Ano ba ang ibig mong sabihin, Kuya Ram? Naguguluhan na ako,” inis kong saad at napahilot ako sa sentido ko.
“Komplikado pa ang lahat, Raizer. Kumain na lang muna tayo. Malalaman mo rin naman ang ibig kong sabihin.” Fvck...
QUINNA AMERA’S POV
“`My! I’m hungry na po talaga!” naiiyak na sigaw na naman ni Quinne.
“Baby, please... Sa bahay na lang tayo kumain, hmm? Magluluto naman ako, honey,” I pleaded my daughter.
“Ayaw ko po! Gusto ko rin pong makasalo si Kuya Killer smile sa loob,” sabi niya at may itinuro niya sa loob ng resto.
“Who’s kuya killer smile, honey?” nakakunot-noong tanong ko sa kanya dahil sino naman iyon? Bakit naman ganoon ang tawag niya?
“Iyong naka-black outfit po, Mommy!” Nakasuot ng black outfit? Wait lang, si R-Raizer lang naman ang naka-black na tinutukoy ng anak ko, ah.
“Kinausap mo ba siya, anak?” kinakabahan na tanong ko. Paano naman sila nagkausap ng dalawa? Imposible naman yata iyon.
“Uhm, sa airport po, Mommy! Ngumiti po siya sa akin, eh. Tapos nag-wave rin po siya ng hand sa akin as saying goodbye na rin po, Mommy ko,” paliwanag niya.
“Don’t talk to him again, Quinne,” sabi ko.
“But why is that, Mo?” naiiyak na tanong niya sa akin.
“Basta, hindi mo naman talaga siya kilala, eh. He’s stranger, anak,” sabi ko at pinapasok ko na sila sa loob ng kotse ko.
“Mommy, I saw Jacky sitting on the lap of that Man po kanina,” ani Jecky. Nilingon ko naman si Jacky. Bakit ba sila nakalapit sa lalaking iyon? Bakit ang mga anak ko pa?
“Is that true, Jacky?” I asked him.
“Ah, yes po, Mommy! Sa airplane po, and you know what, Mom? The airplane was about to land na po but nakipaghabulan po ako sa bodyguards namin. Mommy, ang saya po kaso hinila ako ng isang froglet na iyon,” kwento niya sa akin at sumimangot pa skya. Napahawak na lang ako sa sentido ko.
“Jacky, Quinne, next time you meet him iwasan ninyo siya, okay?” paalala ko. Ayoko na silang makalapit pa sa lalaking iyon. Hindi na iyon puwede.
“Why nga po, Mom? Bad po ba siya kaya aayw mo kaming makalapit sa kanya?” tanong ni Quinne. Hindi... Hindi sa ganoong paraan. May atraso lang siya sa akin at ayoko ng alalahanin pa iyon. Matagal na ang nakalipas, eh.
“No, basta ayokong kausapin ninyo siya,” sabi ko at nag-drive na lang ako pauwi sa bahay namin.
7 years, 7 years na siyang nawala at iniwan na lang ako bigla sa ere. Mas pinili niya ang sariling pangarap, kaysa sa akin at ngayon aakto siya na hindi na niya ako kilala? Dahil nga nakalimot na siya?
Haha, that’s bullshít.