-------- ***Carleigh’s POV*** - Hindi ko talaga inaasahan. Kung kailan ilang araw na lang at kasal na naming dalawa ni Holland… saka naman niya naisip na magbakasyon kami. Biglaan. Weekend getaway lang daw, dalawang araw. Bawi raw niya sa akin dahil sa sobrang busy siya sa mga nakalipas na ilang linggo at medyo napabayaan niya ako. Anim na araw na lang… kasal na namin. Sa totoo lang, nagulat ako. Hindi dahil may kailangan pa kaming ayusin—dahil sa totoo lang, tapos na ang lahat. Final na ang guest list, plantsado na ang venue, kumpleto na ang fittings, pati honeymoon naka-book na rin. Wala na kaming kailangang habulin. Wala nang stress. Wala nang checklist na kailangang markahan. Everything is perfectly arranged. Kaya siguro… ito na ang unang pagkakataon na huminga kami nang maluwa

